Elemento ng Tula Flashcards
Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay, hinango sa guniguni, pinararating sa ating damdamin, at ipinahahayag sa panananlitang may angking kariktan o aliw-aliw.
Tula
Pare-parehon o halos magkakasintunog na dulumpantig ng bawat taludtod ng tula
Tugma
e, i, at o-u VOWELS
Tugmang Pantinig
Nagtatapos sa mga katinig na b, k, d, g, p, s, at t. Nagtatapos naman sa mga katinig na l, m, n, ng, r, w, at y
Tugmang Katinig
Bilang ng pantig sa bawat taludtod ng saknong. Labindalawa, labing-anim, at labingwalong pantinig
Sukat
Ang saglit na tigil sa pagbasa o pagbigkas at nilagyan ng panandang /. Ito ay tawag na?
Sesura
Pagpapangkat ng mga taludtod o linya ng tula. Nakapagdaragdag ito sa ganda at balanse ng tula bukod pa sa nakapagbibigay rin ng pagkakataon para sa makata na magbago ng tono o paksa sa kanilang tula.
Saknong
Dalawa
Couplet
Tatlo
Tercet
Apat
Quatrain
Salitang binabanggit sa tulang nag-iiwan ng malinaw na tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. (imagery)
Larawang-Diwa
Ito ang mga simbolo o mga bagay na ginamit sa tulang may kinakatawang mensahe o kahulugan at nagpapalalim sa diwa o esensiyang taglay ng tula.
Simbolismo
May mga tulang walang sukat at tugmang sinusunod subalit matatawag pa ring tula sapagkat pilimpili ang mga salita, kataga, parirala, imahen o larawang-diwa, tayutay o talinghaga, at mesaheng taglag na siyang lalong nagpapatingkad sa katangian nito bilang tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng bumabasa. ( beauty)
Kariktan