El Filibusterismo Flashcards
1
Q
- Pilipinang nag-aasal banyaga/dayuhan at itinuturing na mapait na dalandan sa nobela.
- Tiya ni Paulita Gomez; asawa ni Don Tiburcio
- Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina/ Nag aasal na isang espanyol
A
Donya Victorina
2
Q
- Anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
- Naging alipin ni Hermana Penchang.
- Anak na naging kabayaran sa lupang pilit ipinaglalaban ng ama.
A
Huli/Juli
3
Q
- Sinasabing mayamang mag-aaral na masigasig sa pagkakaroon ng Akademya
ng Wikang Kastila/
Isa sa mga nakikiisa sa pagpapatayo ng akademya ng wikang Kastila - Mayamang mag-aaral ng abogasya. Pinuno siya ng isang kapisanang humihiling na magbukas ng isang akademya para sa Wikang Kastila. Binigyan niya ng kabayo si Padre Irene.
A
Macaraig
4
Q
- Kapatid ni Juli, anak ni kabesang tales, at apo ni tandang selo
- Anak ni Kabesang Tales na pumasok bilang guwardiya sibil.
A
Tano
5
Q
- Tsinong mangangalakal at kaibigan ng mga prayle na nais magkaroon ng
konsulado ng Tsino sa Pilipinas - Isang mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas.
- Sa kanyang tindahan pansamantalang ipinatago ni simoun ang mga sandata at pulbura na gagamitin sa himagsikan
A
Quiroga
6
Q
- Mayamang babaeng nagpahiram ng pantubos kay Huli bilang kapalit ng
pagiging katulong nito. - Ang mayaman at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli
A
Hermana Penchang
7
Q
- Paring tinaguriang “moscamuerta” o patay na langaw.
- ang paring Franciscanong dating kura ng bayan ng San Diego
- May lihim na pagnanasa kay Maria Clara sa Noli Me Tangere. Siya rin ang obispo ng Santa Clara.
A
Padre Salvi
8
Q
- ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal/ Tagapayo ng mga prayle
- Matalinong taong kahit batid ang katotohanan, di pumapanig dahil naglilingkod sa pamahalaan. Pinakatanyag na abogado sa Maynila at sanggunian ng mga prayle kung may suliranin.
A
Ginoong Pasta
9
Q
- Matalinong mamahayag na hindi tapat sa pagsulat ng mga balita.
- manunulat sa pamahayagan
A
Ben Zayb
10
Q
- Kura-paroko sa kumbento ng Tiani na nagtangkang pagsamantalahan si Huli.
- Ang mukhang artilyerong pari na gumahasa kay Huli/Juli.
- Mapagkunwari at di mapagkakatiwalaan.
A
Padre Camorra
11
Q
- Espanyol na bahagi ng pamahalaan na ang tingin sa sarili ay siya lamang ang
nag-iisip sa Maynila. - Ang kilala sa tawag na Buena Tinta, kasi madalas siyang ipinalabas sa mga pahayagan.
- Naging opsiyal na tagapayo ng Kapitan Heneral dahil sa likas niyang talino.
A
Don Custodio
12
Q
ang mayamang mag-aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano’y tagapayo ng Kapitan Heneral ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga kaaway
- Mag-aalahas na nagbalik sa nobela upang pagbayarin ang lahat ng nanakit sa kanya at sa kanyang pamilya
- Siya si Crisostomo Ibarra ng Noli Me Tangere
- Si ibarra ay nagbalik bilang Simoun para maghiganti laban sa mga prayle. Kilala rin siya bilang Kardenal Moreno.
A
Simoun
13
Q
- Mag-aaral na malapit sa mga guro at umaasa sa talino ng iba.
- Ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor; nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila.
- Siya ang nakatuluyan ni paulita gomez
- Kubang anak ng isang mayamang mangangalakal, naikasal kay Paulita Gomez, mahusay makisama sa mga propesor, at mahilig manukso sa kanyang mga kapwa mag-aaral.
A
Juanito Pelaez
14
Q
- Mag-aaral na walang pagpapahalaga sa pag-aaral.
- Estudyanteng tamad mag-aral at nagdadahilang maysakit ngunit nakakapasa pa rin
A
Tadeo
15
Q
- Banyagang nasa Pilipinas na binalot na ang katauhan ng kulturang Pilipino.
- Ang kawaning Kastila na sang-ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral.
A
Sandoval