el fili play : act one scene three Flashcards
first line
ingkong, anong nangyari? bakit ho kayo tumatangis? at si itay?
second line
ingkong? hindi maaaring iniwan tayo ni itay! hindi niya ipapahintulot na tayo’y pabayaan!
hindi niya ____________ na tayo’y pabayaan
ipapahintulot
pobrecita, higpitan at ayusin mo paghawak sa sombrilla! nako, naman at sobrang init ng panahon!
pasensya na ho, hermana. naiintindihan din ho kasi ako—
at sino naman itong… dalagang nasa tabi niyo, amiga?
magandang tanghali ho sa inyo, hermana bali. ako po si juli, ang bagong utusan ni hermana penchang.
ang Diyos ay nagpapadala ng mga pagsubok at kaparusahan dahil hindi ka marunong magdasal. naririnig mo ba ako, juli?
oho, hermana
pobrecita, kumuha ka ng isang tasang tubig
oho, hermana-
hindi na kailangan! juli, ang pangalan ng iyong kasintahan ay si basilio, diba? ang manggagamot na taga maynila?
o-oho. bakit? may nangyari po ba?—
kamalasan! kamalasan! isang pilibustero ang binatang iyon, sinasabi ko sa iyo!
hermana! ano ho ang ibig ninyon sabihin? si basilio? pilibustero? hindi ko mahahayaang sabihin iyon tungkol sa aking nobyo!
si basilio? pilibustero?
hindi ko mahahayaang sabihin mo iyon tungkol sa aking nobyo!
ang ibig kong sabihin ay nakakulong ang iyong nobyo! nako, isang malaking balitang nahablot ko mula sa pahayagan ni Ybanez!
hindi maaari… imposible!
meeting basilio for the first time
basilio?
j-juli? ikaw ba iyan, sinta ko? anong ginagawa mo rito? paano mong nalaman—
paanong hindi ko malalamankung ang iyong pagkukulong ay bukambibig sa buong tiani?
paumanhin, mahal, pero-
hindi. nagkakamali lang sila! kilalang kilala kita, basilio. alam kong hindi mo kayang gawin iyon pagkatapos nang lahat ng tiniis mo para sa iyong inay at kapatid. huwag mong tapusin ang nais mong sabihin. hahanap ako ng paraan, basilio. kakausapin ko ang mga kura, o si hermanang penchang, o—
walang makikinig sa’yo juli.
ha?