Dulaan 3 Flashcards
ay isang uri ng akdang pampanitikan na nakasasalamin
ng iba’t ibang kultura ng ating mga kababayan.
dula
Ito ay isang uri ng panitikang nahahati sa ilang yugto na maraming
tagpo.
dula
Pinaka layunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.
dula
Sabi nya ang mga katutubo’y likas na mahiligin sa awit, sayaw at ritwal na ginaganap para sa pagdiriwang ng kaarawan, bigyag,
pagtutuli, ligawan, kasalan, kamatayan,
pakikipagdigmaan, kasawian,
pananagumpay, pagtatanim, pag-aani,
pangingisda at iba pa.
Arthur Casanova
(Halaw sa Panitikang Filipino, 1991) ang dula ay
isang sining ng paggagaya ng buhay ng
tao mula sa kanyang kalikasan at tumutukoy sa realidad ng kanyang
pagkatao, sa kanyang mga iniisip, kanyang mga kinikilos at maging sa
kanyang nararamdaman
Aristotle
ay isang uri ng panitikan na itinatanghal sa
entablado o iba pang lugar upang ipahayag ang isang
kwento o tema
dula
Mga sangkap ng dula
Tagpuan
Tauhan
Sulyap sa suliranin
Saglit na kasiglahan
Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
Kalutasan
-panahon at pook kung saan naganap ang mga
pangyayaring isinaad sa dula.
Tagpuan
-ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mgapangyayari; ang mga
tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at
nagpapadama sa dula.
- Tauhan
-bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang
suliranin;mawawalan ng saysay ang dula kung wala
itong suliranin; maaaring mabatid ito sasimula o
kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga
pangyayari; maaaring magkaroon nghigit na isang
suliranin ang isang dula.
Sulyap sa Suliranin
-saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa
suliraning nararanasan.
Saglit na Kasiglahan
-ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sakanyang paligid, at tauhan
laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng
higit sa isa o patung-patong natunggalian ang isang
dula.
- Tunggalian
- climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng
tauhan; sa sangkap na itong dula tunay na
pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o
kaya’y sapinakakasukdulan ang tunggalian.
Kasukdulan
-ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga
suliranin at pag-ayos sa mgatunggalian.
- Kakalasan
- sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at
natatapos ang mga suliranin attunggalian sa dula;
ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga
suliranin at tunggaliansa panig ng mga manonood
Kalutasan