Dula (Panahon ng Kastila) Flashcards
Sa Panahong ito, namayani ang iba’t-ibang uri ng dulang sekular at pang relihiyon.
Panahon ng Kastila
Ayon sakaniya, ang mga dula ay naidaraos sa iba’t-ibang uri ng okasyon tulad ng pista sa bayan.
Dr. Nicanor Tiongson
Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson ang mga dula ay naidaraos noong Panahon ng Kastila sa anong okasyon?
naidaraos sa iba’t-ibang uri ng okasyon **tulad ng pista sa bayan. **
Ito ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus.
Senakulo
Dulang itinatanghal sa lansangan at nagpapamalas ng paghahanap ng pansamantalang tirahan nina Maria at Jose doon sa Bethlehem.
Panunuluyan
Ito ay isang prusisyon na ginaganap sa madaling araw ng Linggo ng Pagkabuhay
Salubong
Ito ay isang dulang may kantahan at sayawan, na mayroong isa hanggang limang kabanata, at nagpapakita ng mga sitwasyon ng Pilipino na may kinalaman sa mga kwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu.
Sarswela
Ang banghay nito ay natutungkol sa paglalabanan ng mga Kristiyano at mga “Moro” o Muslim.
Komedya o Moro-Moro
Ano ang limang dula na nakapaloon sa Panahon ng mga Kastila?
1.) Senakulo
2.) Panunuluyan
3.) Salubong
4.) Sarswela
5.) Komedya o Moro-Moro