Dula Flashcards
Sila ay mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na napaulat na dinukot noong 2006 at hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa natatagpuan.
Sherlyn Cadapan at Karen Empeno
Ang tawag sa mga indibidwal na sapilitang dinukot ng mga pinaghihinalaang elemento ng estado dahil sa kanilang politikal na paniniwala.
Desaparecido
Ang tawag sa serye ng mga pangyayaring isinulat na itatanghal sa harap ng madla.
Dula
3 pinakamahalagang elemento ng dula
(1) Iskrip (2) teatro (3) manonood na direktang nakasasaksi ng akda
Ayon sa kaniya, may anim na elemento ang isang dula na marapat na napagsasanib upang maging matagumpay ang pagtatanghal.
Aristotle
Anim na elemento ng dula/drama
- Produksiyon
- Tugtog
- Diyalogo
- Tema
- Tauhan
- Banghay
Tumutukoy sa pangkalahatang espasyo ng tanghalan
produksiyon
Tumutukoy sa anumang tunog at musikang ginagamit sa pagtatanghal, kabilang na ang lakas at hina ng boses ng mga nagtatanghal
Tugtog
Naglalaman ng kabuuang takbo ng pagtatanghal na nagsisiwalat ng karakterisasyon ng mga tauhan at ng takbo ng mga pangyayari.
Diyalogo
Tumutukoy sa kabuuang pinapaksa ng pagtatanghal
Tema
Tumutukoy sa mga karakter ng akda na nagpapatakbo sa kuwento
Tauhan
Tumutukoy sa serye ng mga pangyayari sa akda
Banghay
Isa sa mga kinikilalang mandudula ng bansa. Siya ang tagapag payo at tagapagtatag ng Kataga, Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas.
Reuel Molina Aguila