DISCUSSIONE Flashcards
Si Cristo’y Diyos dahil Siya’y nilalang ng Espiritu Santo at walang amang tao.
Hindi dahil sa si Cristo’y lalang ng Espiritu Santo ay Diyos na. Katunayan pa nga ito ng Kaniyang pagiging tao dahil Siya’y nilalang at hindi manlalalang. Siya ay nilalang sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa sinapupunan ng Kaniyang ina (Mat. 1:18,20 MB), ito’y katunayan ng Kaniyang pagiging tao dahil ang tao’y nilalalang ng Diyos sa tiyan ng ina (Isa. 44:2). Hindi naman mapagbabatayan na dahil sa si Cristo’y walang amang tao’y Diyos na, sapagkat kung tatanggapin ito ay lalong magiging Diyos sina Adan at Eba dahil di lamang wala silang amang tao kundi wala rin silang inang tao. (Gen. 2:7)
Si Cristo’y anak ng Diyos kaya Siya’y Diyos
Kung tatanggapin na si Cristo’y Diyos dahil Siya’y anak ng Diyos, darami ang Diyos dahil ang mga Cristiano man ay mga Anak ng Diyos din (I Juan 3:1). Si Adan man ay tinawag ding “Son of God” (Luk.3:38KJV) at maging si Solomon ay tinawag ng Diyos na “aking anak” (II Sam. 7:8-14). Ang pagiging AND ay hindi biological na pangangak o hindi sa kalagayan kundi ito’y karapatang ipinagkakaloob sa lahat ng nagsisitanggap kay Cristo- ito’y priviledge o karapatan [right] (Juan 1:12).
Ang pagkabuhay na muli ni Cristo ay nagpapatunay na Siya’y Diyos (Cat.of Chr.Doc.,p.43)
Hindi ito nagpapatunay na Siya’y Diyos, katunayan pa nga ito na hindi Diyos si Cristo dahil ang tunay na Diyos ay hindi namamatay (I Tim.1:17). Si Cristo ay tao na binuhay na mag-uli ng Diyos o ng Ama (Gawa 2:23-24,32MB; Gal.1:1). Darami ang Diyos kapag tinanggap ito dahil maging si Lazaro ay nabuhay na mag-uli (Juan 11:43-44) pero hindi nangangahulugang siya’y Diyos.
Si Cristo’y nakagawa ng mga himala. Katunayan ito na Siya’y Diyos. (Kat.ng A.K.,p.17)
Hindi dahil sa si Cristo’y nakagawa ng himala ay nangangahulugang Diyos na Siya dahil ang mga iyon ay ang Diyos ang may gawa, kasangkapan lamang si Cristo na tao sa likas na kalagayan (Gawa 2:22-23MB). Darami ang Diyos kung tatanggapin ito dahil ang mga apostol man ay nakagawa rin ng himala (Gawa 20:9-10; 19:11-12; 9:40; Mat.14:26-31MB). Maging si Satanas ay gumagawa rin ng himala (II Tes.2:9-10) pero hindi nangangahulugang Diyos din si Satanas.
Ang ELOHIM ay plural o pangmaranihan, tumutukoy ito sa Trinidad.
Hindi ibig sabihin na marami ang Diyos. Hindi tumutukoy ang Elohim sa Trinidad. Ang Elohim ay tumutukoy sa plural of majesty o pangmaramihang kataga ng paggalang (Oxford Dict.p.454; New Cath.Encyc.Vol.5,p.287). kapag ang terminong Elohim ay ginamit upang tumukoy sa tunay na Diyos, ito’y pang-isahan (Compact Dic.of Doctrinal Words,p.80). Ang Elohim ay ang Ama lamang (Efe.4:6 at I Cor.8:6 Restoration of Original Sacred Name Bible)
Si Jesus ang tao at si Cristo ang tunay na Diyos. Ang Jesus na tao ang namatay at si Cristo na tunay na Diyos ay walang kamatayan.
Ang nagtuturo na iba si Jesus sa Cristo ay sinungaling at antiCristo (I Juan 2:22). Si Jesus ay Siya ring Cristo (Mat.1:16;Gawa 18:5,28) na taong pinakuan sa krus (Gawa 2:36ETRV; i Cor.1:23), na namatay (Juan 19:30,33; I Cor.15:3; Roma 5:6) at binuhay na mag-uli ng Diyos (Gawa 2:22-24; Roma 6:4). Si Jesucristo ay isang tao (Roma 5:15Moffatt;Abriol) at mayroon lamang isang Jesucristo (I Cor. 8:6SND). Ang kahulugan ng Cristo ay hindi Diyos kundi pinahiran ng Diyos (Luk. 4:18KJV; Gawa 10:38). Ang Diyos ang nagpahid at si Cristo ang pinahiran. Magkaiba ito.
(Gen.1:2; Awit 104:30) Pinatutunayan sa mga talatang ito na ang Espiritu Santo ay manlalalang (The Absurd Claims,p.109)
Mali ang kanilang pagkaunawa. Walang mababasa sa mga talatang ito na ang ES ay Diyos na manlalalang. Hindi kailanman tinawag ng Biblia ang ES na Diyos (The Divine Trinity,p.109). Ang talatang Awit 104:30 ay hindi tumutukoy sa “creation” kundi sa kapangyarihan ng Diyos na ibalik ang buhay kahit patay na. (Awit 104:27-30MB; Ezek.37:4-7). Darami ang Diyos kung tatanggapin ito dahil 7 Espiritu Santo ang isinusugo ng Ama (Apoc.5:6).
(Gen. 1:26; Kaw. 8:22-30)
Si Cristo ang “ka-natin” ng Diyos sa paglalang o co-creator. Kaya Siya’y existido na noon pang una at Siya’y Diyos.
Walang banggit na si Cristo ang “ka-natin” ng Diyos. Ang “natin” o “atin” ay hindi nalilimitahan sa 2. Ang pinatutunayan ng Biblia na existido na noon pa bago ang paglalang ay ang mga kerubin (Gen. 3:22-24) at serapin (Isa. 6:2,8atMB). Pero hindi ibig sabihin na may katulong ang Diyos sa paglalang dahil ang Diyos na mag-isa lamang ang lumalang (Gen. 1:27; Isa.44:24MB at Abriol). Ang tinutukoy naman sa Kaw. 8:22-30 ay ang karunungan (Kaw. 8:1) na ginamit ng Diyos sa paglalang (Jer. 10:12, MB,Abriol). Hindi ito maaaring maging si Cristo dahil ang “gender” ay “feminine” (Kaw. 8:1KJV). Lady wisdom sa The Message, sa Kaw. 7:4MB, ito’y kapatid na babae.
(Gen.17:1)
Si Cristo ang Panginoon na napakita kay Abraham.
Wala sa talatang ito na sinabing ang napakita kay Abraham ay si Cristo. Ang tinutukoy na napakita kay Abraham ay ang Panginoon na Makapangyarihan sa lahat. Ang Panginoong Makapangyarihan sa lahat ay ang Ama (II Cor.6:18) at hindi ang Anak o si Cristo.
(Gen.18:1-2)
Ang 3 lalake na napakita kay Abraham sa mga punong encina ng Mamre ay ang 3 persona ng Trinidad.
Walang banggit sa talata na sila’y “3 Persona ng Trinidad”. Ang 3 lalake ay ang 3 anghel (Gen.19:1). Ang mga anghel ay nagsikain (Gen.18:8;19:3) at matutulog pa sana (Gen.19:4MB). Sila’y napakita kay Abraham sa anyong tao [theophany “manifestation of a deity to a human person].
(Gen. 18:25 at II Cor.5:10)
Ang Diyos ay Hukom. Si Cristo ay Hukom. Kaya, si Cristo’y Diyos.
Kung tatanggapin ito, darami ang Diyos dahil ang mga banal man ay hahatol o huhukom din (I Cor.6:2-3). Ipinagkaloob lamang kay Cristo ang pagiging Hukom (Juan 5:27, 30) sapagkat kakasangkapanin ng Diyos si Cristo sa paghatol o paghuhukom sa tao (Roma 2:16).
(Exo.3:14; Juan 8:56-58)
Ipinahayag ng Diyos “Ako nga”. Sinabi ni Cristo “Ako nga”. Kaya, si Cristo’y Diyos.
Ang pahayag ng Diyos na “Ako nga” sa Exo 3:14 ay tumutukoy sa pangalan ng Diyos samantalang ang pahayag ni Cristo na “ako nga” sa Juan 8:56-58 ay hindi tumutukoy sa pangalan kundi ipinahahayag lamang na bago ipinanganak si Abrahaman ay nasa isip na ng Diyos si Cristo (I Ped. 1:20BTK). Kung tatanggapin ito, darami ang Diyos dahil ang bulag man na pinadilat ni Cristo ay nagpahayag ng “ako nga” (Juan 9:1,8-9), maging si Jacob (Gen. 27:24) at maging ang anghel (Huk. 13:11).
(Exo. 6:2-3)
Ayon sa mga Adventist “God, Jehovah or Yahweh is applied to Jesus (What people need to know p.44)
Kaugnay na Argumento: Ang Panginoong Diyos ay Jehovah at si Cristo ay Panginoon. Kaya, marapat lamang na tawaging Jehovah si Cristo.
Hindi si Cristo and Diyos o ang Jehovah dahil ang Jehovah ay ang Kataastaasan (Awit 83:18). Si Cristo’y hindi ang Kataastaasan dahil Siya ay Anak ng Kataastaasan (Luk.1:31-32). Si Cristo’y susuko sa Kataastaasang Diyos (1Cor. 15:27-28atMB). Itinuro ni Cristo na ang Ama ay lalong dakila kaysa Kaniya (Juan 14:28).
Hindi dahil sa si Cristo’y Panginoon ay marapat ng tawaging Jehova. Kapag tinanggap ito magiging 2 ang Jehovah dahil may binabanggit na 2 Panginoon sa Awit 110:1. Sa saling MB at Amp. ay ipinakita ang pagkakaiba ng 2 Panginoon, ang isa’y God at ang isa’y Messiah (Crsito). Si Cristo ay ginawa lamang ni Jehovah na Panginoon (Gawa 2:36) at si Cristo’y “servant of Jehovah” (Gawa 4:29-30NWT).
(Exo. 15:3KJV)
Ang Diyos ay nagkatawang-tao sapagkat ayon sa talata “the Lord is a man of war”
Walang sinabi sa talata na ang Diyos ay nagkatawang-tao. Hindi pumapayag ang Diyos na Siya’y maging tao (Ose.11:9) at hindi rin Siya nagbabago kahit anino ng pag-iiba (Mal.3:6; Sant.1:17). Kung tatanggapin ito, dapat ding tanggapin na ang langgam ay tao (Kaw.30:25KJV). Ang pahayag na ito ay figure of speech [nasa uring metaphor-pagtutulad]. Itinulad ang Diyos sa mandirigma laban sa hukbo ni Faraon (Exo.15:3-7).
(Jos.5:13-15)
Si Cristo ang Prinsipe ng mga hukbo ng Diyos na napakita kay Josue. Kaya existido na Siya noon pang una bilang Diyos.
Kaugnay na Argumento: Si Cristo ay Siya ring anghel Miguel
Walang mababasa sa talata na si Cristo’y existido na noon pang una bilang Diyos. Wala ring mababasa na si Cristo ang Prinsipe ng mga hukbo ng Diyos na napakita kay Josue. Ang pinatutunayan ng Biblia na Prinsipe, punong Prinsipe o Dakilang Prinsipe ay si Miguel (Dan.10:21,13: 12:1; Apoc. 12:7 at MB, Tad. 1:9). Ang tinutukoy na hukbo ay mga anghel (Luk.2:13; Awit 103:20-21). Kaya, si anghel Miguel ang tinutukoy na napakita kay Josue.
Hindi itinuturo ng Biblia na si Cristo ay Siya ring anghel Miguel. Si anghel Miguel ay espiritu sa kalagayan at si Cristo ay tao (Juan 8:40). Higit si Cristo sa mga anghel sapagkat ipinasakop sila kay Cristo (Efe. 1:21-22Lamsa, English Ver., I Ped. 3:22) at ipinasasamba sa mga anghel si Cristo (Heb.1:6 NPV)