Dimensiyon ng Globalisasyon + Isyu sa Paggawa Flashcards
Ang mga tao ay patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikipamuhay kasama ang ibang mga tao na nagmula sa ibat-ibang panig na daigdig, sila ay nagkakaroon ng pagtanggap sa kultura ng ibang tao o lahi, na nagiging bahagi na ng kanilang pamumuhay
Cultural Integration o Kultural na Integrasyon
Ang pakikipagkalakalan sa iba’t-ibang bansa ay nagbibigay sa mga tao ang maraming sangay ng pakikipag-ugnayan. Sila ay nagkakaroon ng palitan ng produkto at serbisyo ayon sa hinihingi ng pangagnailangan ng bawat isa.
Economic Network o Pangkalakalang Ugnayan
Ang teknolohiya ay maaaring ituring na pangunahing dahilan sa pag-usbong at paglago ng globalisasyon lalo’t higit ang mga teknolohiyang may kinalaman sa
kommunikasyon.
Technological Advancement o Kaunlarang Teknolohikal
Dahil nga sa pakikipag-ugnayan ng mga tao mula sa ibat-ibang bansa at kultura, nagkakaroon ng tinatawag na “power allegiance” at “power resistance”.
Global Power Emergence o Paglitaw ng Pandaigdigang Kapangyarihan
Sa ___, nagkakaroon ng pakikipagkasunduan ang mga bansa na nagbigay daan upang magkaroon ang “global power” ang ilang mga bansa.
Power Allegiance
Nagkakaroon din ng ___ sapagkat nakakaroon ng tensyon sa pagitan ng mga bansang may political power o kapanyarihang politikal na maaaring makaimpluwensiya sa pampolitikal na kalagayan ng ibat-ibang bansa.
Power Resistance
[DIMENSIYON] Ang uri at kalagayan ng pamumuhay ng mga tao ay umuunlad sapagkat natututo tayo o nakakakuha tayo ng ideya at impormasyon mula sa ibang tao mula sa ibang bansa.
Socio-Cultural o Sosyo-kultural
[DIMENSIYON] Ang ekonomiya ng mga bansa ay tuloy-tuloy ang pag-unlad sapagkat ang mga kompanya at negosyo ay nakararating
sa iba’t ibang bansa. Gayundin ang mga manggagawa ng mga kompanya at negosyo ay nagmula din sa ibat-ibang bansa at kultura.
Economic o Pangkalakalan
[DIMENSIYON] Sa larangan ng pamamahala, ang globalisasyon ay naging daan upang magkaroon ng mga ugnayan-pampolitikal ang mga bansa na mayroong magkakaugnay na hangarin sa pamamahala.
Political o politikal
[DIMENSIYON] Ang kapaligiran ay isa sa mga
pinakanaaapektuhan ng globalisasyon dahil sa pag-unlad ng pang-indutriyal ng ekonomiya.
Environmental o pangkapaligiran
[DIMENSIYON] Ang paglago ng impormasyon at mga kaalamang siyantipiko ay nagdulot ng maraming pagbabago sa teknolohiyang ginagamit sa iba’t ibang panig ng daigdig
Technological o teknolohikal
[TAMA O MALI?] Ang paglago ng impormasyon at mga kaalamang siyantipiko ay nagdulot ng maraming pagbabago sa teknolohiyang ginagamit sa iba’t ibang panig ng daigdig.
TAMA
[TAMA O MALI?] Ang konsepto ang globalisasyon ay nakabatay kaunlaran sa pamamagitan ng ugnayan ng mga lipunan sa mundo sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay ng mga tao.
TAMA
[TAMA O MALI?] Ang teknolohiya ay maaaring ituring na pangunahing dahilan sa pag-usbong at paglago ng globalisasyon lalo’t higit ang nasa larangan ng relihiyon.
MALI
[TAMA O MALI?] Dahil din sa agwat ng ekonomiya, nagkakaroon ng malaking agwat sa buhay at pamumuhay ng tao, sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.
TAMA
[TAMA O MALI?] Dahil nga sa pakikipag-ugnayan ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa at kultura, nagkakaroon ng tinatawag na “power allegiance”
at “power resistance”.
TAMA