DalFil Flashcards

1
Q

Ito ay isang uri ng kritisismong pampanitikan na sumisiyasat sa pinagmulan ng isang sinaunang panitikan o teksto para maunawaan ang daigdig sa likod ng tekstong ito.

A

Historikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Isang pagsusuri hinggil sa mga naunang mga akdang pampanitikan kung papaano nasulat ang mga ito.

A

Historikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Ito ay ginagamit upang siyasatin ang mga pinagmulang historikal ng teksto gaya ng panahon ng pagkakasulat nito, lugar kung saan ito isinulat, mga pinagkuhaan nito, mga pangyayaring nakapaligid dito at mga petsa, mga taong sangkot dito, bagay, kultura na binanggit, o pinahihiwatig sa teksto.

A

Historikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
4
Q

Layunin ng akdang ito na ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog.

A

Historikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
5
Q

Nais din nitong ipakita ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ang mundo.

A

Historikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
6
Q

Ang pagsasanib ng pwersang pangkapaligiran at panlipunan ang nagpapalutang sa akda tulad ng sitwasyong politikal, mga tunay na pangyayaring nasaksihan o nabatid ng manunulat, at maging ang mismong talambuhay ng may-akda.

A

Historikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
7
Q

Ang pananaw na ito ay nagbibigay ng pangunahing halaga sa tao. Dahil dito, ang tao ang sentro ng daigdig, ang sukatang bagay at panginoon ng kanyang kapalaran. Naniniwala ang mga kritiko na ang panitikan ay hindi hiwalay sa lipunan.

A

Sosyolohikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
8
Q

Mahalagang mabatid ang kapaligirang sosyolohikal ng akda. Ang indibidwal na pagsusuri ng akda ay nagkakaroon ng higit na matibay na kapit sa ugnayang namamagitan sa buhay ng mga tauhan at ng mga puwersa ng lipunan o umiiral na suliraning panlipunan. Ang tao at ang kanyang saloobin at damdamin ang nagiging pangunahing paksa rito.

A

Sosyolohikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
9
Q

Sa pananaw na ito, malaki ang gampanin ng lipunan sa pagbuo
ng akda. Karamihan sa mga danas at ganap na nakapaloob sa teksto ng isang manunulat ay hinugot niya sa kanyang personal na karanasan sa kanyang lipunang ginagalawan.

A

Sosyolohikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
10
Q

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kaniyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa - walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t
pang-unawa.

A

Formalismo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
11
Q

ay tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa porma ng isang teksto at hindi sa nilalaman nito. Iniiwasan nito ang pagtalakay ng mga elementong labas sa teksto tulad ng histori, politika, at talambuhay.

A

Formalismo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
12
Q

Itinuturing na isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na nakasentro sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektibong pananaw na pagbabago ng lipunan.

A

Marxismo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
13
Q

Sumasalamin sa katayuan ng mga ordinaryong mamamayan sa lipunan kung saan may pagnanais na makaalis sa kasalukuyan nilang
katayuan. Kaya sa pananaw na ito, mahalaga ang paggawa at
pakikisangkot ng mga tauhan para mabago ang takbo o kalakaran ng
isang lipunan.

A

Marxismo

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
14
Q

Kinikilala ito bilang isang agham na nagsusuri sa pag-uugali at
kamalayan ng tao. Ito rin ang siyentipikong pag-aaral ng pag-iisip ng tao na nakaaapekto sa kilos; mental na katangian o aktitud ng isang tao o pangkat.

A

Sikolohikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
15
Q

Mas binibigyang pokus ng pananaw na ito ang damdamin ng makata at ang kanyang katha.

A

Sikolohikal

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
16
Q

Ang teoryang ito ay ang pagsisiwalat ng sa kapangyarihan ng damdamin. Binibigyang halaga ng pananaw na ito ang obhektibong karanasan ng awtor o ang epekto sa mambabasa patungo sa relasyon ng kanyang likha.

A

Sikolohikal

17
Q

Sa paggamit ng pananaw na ito, dapat isaalang-alang ng kritiko
ang masalimuot na transpormasyon ng mga imahen, kaisipan, at damdamin ng isang makata. Mahalagang matukoy ang layunin ng makata bilang sentro ng prosesong malikhain na nagbibigay daan sa kanyang sining.

A

Sikolohikal

18
Q

Ang kultura ay kabuuang natutuhan ng tao bilang miyembro ng isang lipunan. Ito ay tumutukoy sa wika, paniniwala, tradisyon o kaugalian, sining, kasuotan, pagkain, at relihiyon. Samakatuwid, malaki ang impluwensiya ng kultura sa pag-aaral ng akdang pampanitikan.

A

Kultural

19
Q

Kailangan ang pang-unawang kultural upang lalong maitampok
ang layunin ng mga awtor sa kanilang mga akda na itanghal
ang kultura ng isang lipi, isang bansa, o nasyon.

A

Kultural

20
Q

Pinagtutuunan ng pananaw na ito ang kalagayan o representasyon ng kababaihan sa isang akda. Layunin nito na baguhin ang mga de-kahong imahen o paglalarawan sa kababaihan sa anumang uri ng panitikan. Layunin ng pananaw na ito na masuri ang akdang pampanitikan sa paningin o perspektiba ng babae.

A

Feminismo

21
Q

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at
kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan.

A

Feminismo