CRS Flashcards
Maituturing na pinakamatandang kasapi ng Katipunan sa panahon ng Himagsikang 1896. Ipinatapon siya ng
mga Kastila sa Guam dahil sa kanyang
paglahok sa himagsikang anti-kolonyal.
Melchora Aquino o Tandang Sora
Pangalan ng Diyaryong ipinatayo ni Mando Plaridel gamit ang
kayamanan ni Simoun sa nobelang “Mga Ibong Mandaragit” ni Amado V. Hernandez
kampilan
Kung dukot ay para sa
baryang nasa bulsa ano
naman ang pandiwang
salitang ugat na eksakto parasa mata.
dukit
Batay sa mga kaisipan ni Renato Constantino, ang kasalukuyang pamamayani ng mga pelikulang Hollywood sa kabila ng magkaiba pa ring pangkalahatang karanasan ng mga Pilipino at ng mga nasa Kanluran, ay maituturing na porma ng
misedukasyon
Ayon kay Pilosopo Tasio sa Kabanata 53 ng Noli Me Tangere, May tatlong paraan na maaaring sabayan ang pagtakbo ng pagbabago: sa harap, sa tagiliran, o sa likuran niyon.” Kung ang mga nasa harap ay gumagabay sa pagbabago, ano naman ang ginagawa ng o
nangyayari sa mga nasa likuran nito?
sumusunod
Ayon kay Teresita Gimenez Maceda, ang
mga awiting nilikha ng mga kilusang
panlipunan gaya ng partido ng mga
manggagawa at ng mga magsasaka ay bahagi
ng ________________ na mahalagang
dimensiyon ng kasaysayang pambansa.
mga Tinig mula sa Iba-iba
Salitang Pilipino na simula ng paglilinaw sa
“estetika” o kasiningan ng isang akda ayon
kay Pambansang Alagad ng Sining sa
Panitikan Bienvenido Lumbera. Tumutukoy
rin ito sa impresyong iniiwan sa isang tao ng
pagmumukha, bihis, pananalita at kilos ng
isang indibiduwal.
dating
Ano ang nangibabawa sa ideyolohiya o politikal na
kaisipansa kathang Banaag at Sikat na nagwakas sa bagong pag-asa ng dalawang pares ng magsing-ibig
ukol sa ikagiginhawa ng sambayang maralita at
kinapapalooban ng mahabang pagtatalo ng mga tauhan sa mga isyung panlipunan gaya ng sino ang dapat magkaroon ng mas malaking parte sa tubo o
kita ng industriya, ang obrero/ manggagawa o
mamumuhunan/kapitalista?
sosyalismo
Ayon sa artikulong “The Relevance of Mabini’s
Social Ideas to our Times” ni Cesar Majul, ang
entidad na ito’t koleksiyon na mga indibiduwal
konektado sa iisang lahi at iisang kasaysayan ng
pagdurusa, mga pangarap, at mga inaasahan” na
patuloy na nararapat buuin at patibayin, kung
nanaising makamit ang kaunlaran.
bayan o bansa
Ang West Papua ay teritoryo ng Indonesia na
naghahangad ng Kalayaan at nagsumite noong Enero 2019 ng petisyon sa United Nations para sa referendum kaugnay ng demand na ito. Ano ang katumbas sa
Filipino ng pariralang English na konseptong
sinasandigan ng nasabing petisyon, pariralang
binabanggit din sa Artikulo II, Seksiyon 7 ng
Kontitusyong 1987 ng Pilipinas?
Karapatan sa Sariling Pagpapasya
Sa tulang “Paksiw na Ayungin” ni Jose F. Lacaba, ano raw ang unang
hakbang sa pagkain ng paksiw na ayungin. Pahiwatig ito ng
pagmamalasakit sa mga alagang
hayop.
bunutin ang palikpik
Parsela ng lupang kalapit ng pusaliang simbolo ng kahirapan, korapsyon at iba pang mga
kabulukan ng Pilipinas batay sa nilalaman ng nobelang ito rin ang
pamagat.
canal de reina
Depenisyon ng wika,
ayon kay Simoun, sa
Kabanata 7 ng El
Filibusterismo.
ang wika ay kamalayan ng mamamayan
Nobelang Indonesia na isinalin sa Filipino ni
Dr. Aurora Batnag. Naging popular ito sa
Indonesia at iba pang bansa dahil sa
napapanahong tema na korapsyon at pag-aabuso
sa kapangyarihan, na pawing ugat ng malalang
kahirapan ng mga mamamayan sa mga bansang
Third World.
takipsilim sa jakarta
Pangalan ng karakter na
sumisimbolo sa Estados Unidos sa anti—imperyalistang dula ni Aurelio Tolentino “Kahapon, Ngayon at
Bukas.”
bagong sibol