Cpt Flashcards
Ano ang mga unang lungsod-estado sa Mesopotamia?
Sumer, Akkad, Babylon, at Assyria.
Ano ang cuneiform?
Isang mahabang koleksyon ng mga batas na itinataguyod ang hustisya at kaayusan sa lipunan.
Ano ang mahalagang imbensyon na nagbigay-daan sa mas mabilis na transportasyon sa Mesopotamia?
Ang gulong.
Anong mga larangan ang umunlad sa Mesopotamia?
Astronomiya at matematika, na nagamit sa pagbuo ng kalendaryo at pagtatayo ng mga estruktura.
Ano ang pangunahing ilog na nagbigay ng matabang lupa para sa agrikultura sa Ehipto?
Ilog Nile.
Ano ang ginagamit na sistema ng pagsulat ng mga Ehiptoyo?
Hieroglyphics
Ano ang layunin ng mga pyramids sa Ehipto?
Bilang libingan para sa mga pharaoh at simbolo ng kanilang kapangyarihan.
Ano ang mga ambag ng Ehipto sa medisina?
Kaalaman sa anatomiya at mga operasyon.
Paano nag-isa ang Ehipto sa ilalim ng isang pharaoh?
Nagresulta ito sa isang malakas at maunlad na imperyo.
Anong kabihasnan ang kilala sa maayos na urban planning sa Timog Asya?
Kabihasnang Indus
Ano ang dalawang relihiyon na umunlad sa Timog Asya?
Hinduismo at Buddhismo.
Anong mga imperyo ang itinatag sa Timog Asya?
Maurya at Gupta.
Ano ang naging epekto ng kalakalan sa Timog Asya?
Nagdulot ng pagpapalitan ng mga kultura at ideya.
Ano ang mga pangunahing dinastiya sa Tsina?
Shang, Zhou, Qin, Han, Tang, at Song.
Ano ang layunin ng Great Wall ng Tsina?
Protektahan ang hilagang hangganan mula sa mga pagsalakay ng mga nomadic na grupo.
Ano ang Silk Road?
Isang network ng mga ruta pangkalakalan na nag-uugnay sa Tsina sa Kanluran.
Anong mga imbensyon ang nagmula sa Tsina?
Papel, barut, at kompas.
Anong mga kaharian ang umusbong sa Timog-Silangang Asya?
Funan, Chenla, Srivijaya, Majapahit, at Ayutthaya.
Paano nakaapekto ang India at Tsina sa Timog-Silangang Asya?
Malaking impluwensya sa relihiyon, sining, at panitikan.
Ano ang naging epekto ng pagdating ng mga Europeo sa Timog-Silangang Asya?
Malaking pagbabago sa pulitika, ekonomiya, at kultura.
Ano ang Heograpiyang Pangkabuhayan?
Pag-aaral sa epekto ng mga yamang likas sa ekonomiya ng isang grupo, rehiyon, o bansa.
Ano ang layunin ng Heograpiyang Kultural?
Pag-aaral sa impluwensiya ng heograpiya sa pagbuo ng kultura ng iba’t ibang grupo ng tao.
Ano ang Heograpiyang Politikal?
Pagsusuri sa mga pamamaraan at patakaran sa pamamahala ng mga pamahalaan at institusyon batay sa yamang likas.
Ano ang sinasaliksik sa Heograpiyang Historikal?
Impluwensiya ng heograpiya sa kasaysayan at pagbabago ng heograpiya sa paglipas ng panahon.
Ano ang paksa ng Heograpiyang Panlungsod?
Pag-aaral sa heograpiya ng mga siyudad o bayan at ang galaw ng mga tao sa mga urban na lugar.
Ano ang lahi?
Isang sistema ng pagpapangkat ng tao batay sa pisikal at biyolohiyal na katangian.
Ano ang pangkat-etniko?
Pagkakaibang pangkat sa loob ng isang lahi batay sa kultura, wika, at tradisyon.
Ano ang wika?
Sistema ng tao na ginagamit sa komunikasyon; mayroong 6,909 na wika ayon sa Summer Institute of Linguistics.
Ano ang relihiyon?
Sistema ng paniniwala tungkol sa mga diyos na may impluwensiya sa pamumuhay ng tao.
Ano ang monoteismo?
Pagsamba sa iisang diyos, tulad ng Kristiyanismo, Hudaismo, at Islam.
Ano ang politeismo?
Pagsamba sa maraming diyos at diyosa, tulad ng Hinduismo.
Ano ang kultura?
Sama-samang katangian ng isang pamayanan batay sa kaugalian, tradisyon, at iba pang aspekto ng buhay.
Ano ang paniniwala batay sa alamat o mitolohiya?
Tinatalakay ang buhay ng ninuno at ang impluwensiya ng mga diyos sa kanilang buhay.
Ano ang tinutukoy ng creationism sa mga relihiyon?
Paniniwala na may nilalang na lumikha sa lahat ng buhay sa daigdig.
Paano ipinaliwanag ng agham ang pinagmulan ng daigdig?
Batay sa ebidensiya at siyentipikong proseso, hindi naniniwala sa mga kuwentong alamat.
Ano ang ibig sabihin ng salitang Paleolitiko?
“Luma” at patungkol sa bato; panahon ng unang paggamit ng mga bato ng sinaunang tao
Ano ang gamit ng mga kagamitang bato sa Paleolitiko?
Ginamit sa pangangaso at bilang proteksiyon laban sa mababangis na hayop.
Ano ang Homo Habilis?
Tinatawag na “handy man” dahil sa kasanayan nito sa mga kagamitan.
Ano ang tinutukoy ng Mesolitiko?
Gitnang yugto ng Panahon ng Bato; panahon ng hunter-gatherer.
Ano ang nagbunga sa mga kasanayan sa Panahong Paleolitiko?
Paggawa ng mas matibay na sibat at palakol.
Ano ang mga pangunahing pagbabago sa Neolitiko?
Rebolusyong agrikultural, pagtatanim, at pag-aalaga ng mga hayop.
Ano ang kahalagahan ng mga kagamitang tanso?
Gamit para sa pagpupugay sa mga dakilang personalidad, hindi pangkabuhayan.
Saan nagmula ang bronse?
Mula sa Mesopotamia, tinaguriang cradle of civilization.
Paano nakatulong ang bronse sa mga pamayanan?
Nagbigay-daan sa pananakop at digmaan gamit ang mas matitibay na sandata.
Ano ang ibig sabihin ng bakal sa huling yugto ng kasaysayan?
Mas laganap at mas malawak na paggamit kumpara sa bronse at tanso.
Bakit itinago ng mga Hittites ang paggawa ng bakal?
Upang sila ang maging pinakamalakas sa digmaan.
Ano ang kahulugan ng kasaysayan?
Tumutukoy ito sa mga pangyayari, kaganapan, sitwasyon ng lipunan, at mga personalidad sa nakalipas na panahon.
Paano pinag-aaralan ang kasaysayan?
Sa pamamagitan ng mga naiwang kagamitan, estruktura, sistema ng pagsulat, sining, at mga kuwentong naipapasa sa henerasyon.
Ano ang Random Theory?
Pananaw na ang kasaysayan ay walang plano at kusang nagaganap, bunga ng biglaang ugnayan ng sinaunang tao.
Bakit hindi na ginagamit ang Great Man Theory?
Kulang ito sa pagpapaliwanag sa interaksiyon ng mga bumubuo ng kasaysayan.
Ano ang Great Forces Theory?
Naniniwala na ang kabuuang lagay ng lipunan ang may impluwensiya sa takbo ng kasaysayan, kasama ang delubyo, digmaan, at iba pang krisis.
Ano ang heograpiya?
Pag-aaral sa kalupaan, topograpiya, kalikasan, likas na yaman, klima, at epekto nito sa pamumuhay ng tao.
Ano ang pinagmulan ng salitang heograpiya?
Hango sa Griyegong “geo” (lupa) at “graphia” (pagsulat).
Ano ang tema ng Lokasyon?
Tumutukoy sa eksaktong kinalalagyan ng isang lugar gamit ang latitud at longhitud.
Ano ang latitud at longhitud?
Latitud: guhit na humahati sa hilaga at timog. Longhitud: guhit na humahati sa silangan at kanluran.
Ano ang tema ng Lugar?
May iba’t ibang katangian; nahahati sa pisikal at pantao na naglalarawan sa isang bansa o bayan.
Ano ang rehiyon?
Pangkat ng mga lugar batay sa tiyak na katangian tulad ng klima o kultura.
Ano ang Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran?
Pag-aaral kung paano nakaaapekto ang tao at kapaligiran sa isa’t isa, kabilang ang paggamit ng tao sa kalikasan.
Ano ang tema ng Paggalaw ng Tao?
Sinusuri ang mga dahilan ng migrasyon at ang epekto nito sa pamumuhay ng tao.
Ano ang dalawang uri ng anyong pisikal ng daigdig?
Anyong lupa at anyong tubig.
Ano ang bundok?
Ang pinakamataas na uri ng anyong lupa na nakaalsa sa ibabaw ng lupa.
Ano ang bulubundukin?
Grupo ng mga kabundukan na may iba’t ibang elebasyon o taas.
Ano ang talampas?
Isang uri ng bundok na patag ang tuktok.
Ano ang bulkan?
Anyong lupa na nakaalsa na may butas o bunganga sa tuktok.
Ano ang desyerto?
Mainit at tuyong kapatagan na hindi sagana sa yamang pang-agrikultura.
Ano ang arkipelago?
Grupo ng mga islang may iba’t ibang sukat.
Anu-ano ang mga anyong tubig?
Karagatan, dagat, ilog, lawa, golpo, at look.
Ano ang pinakamalaking kontinente?
Asya.
Ano ang pangalawang pinakamalaking kontinente?
Aprika
Ano ang natatanging katangian ng Antartika?
Walang bansa at walang opisyal na naninirahan.
Ano ang pinakamaliit na kontinente?
Australia at Oceania.
ito Ang paggalaw ng mga kontinente at bansa sa kasalukuyan batay sa teorya ni Alfred Wegener noong 1912.
Continental Drift Theory
Isang malaking kalupaan na pinaliligiran ng tubig na pinaniniwalaang pinagmulan ng lahat ng lupain.
ang Pangaea
Ano ang pagkakaiba ng klima at panahon?
Ang klima ay pangmatagalang kalagayan, habang ang panahon ay mabilisang kondisyon na nagbabago araw-araw.
Paano nasusukat ang klima?
Batay sa datos ng temperatura, humidity, at precipitation.
Pag-aaral ng ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran at ang impluwensiya ng kapaligiran sa sangkatauhan.
ito ang heograpiyang pantao?