Birtud At Pagpapahalaga Flashcards
Pagiging tao,pagiging matatag at malakas.Ito ay nanggaling din sa salitang Latin na “Virtus”
Birtud
Upang magkaroon ng tunay na kabuluhan ang isang kilos,ito ay nararapat na magmula sa kilos-loob o may pahintulot nito.
Katarungan
Pinakapangunahin sa lahat ng birtud na nagpapaunlad ng isip.
Pag-unawa
Ito ay nagmula sa salitang Latin na “Valere”.Nangahulugan ito bilang pagiging malakas o matatag at pagiging makabulugan o pagkakaroon ng saysay o kabuluhan.
Pagpapahalaga
May mga materyal na pangngalilangan ang tao upang maging malusog o pangalagaan ang kanilang kalusugan.
Pagpapahalagang Pisikal
Dahil dito may kakayahan tayong umunawa at maabot ang tunay na kahulugan ng buhay.Biniyayaan tayo ng Panginoong Diyos ng ating talino upang mapaunlad ang ating pagkatao at ng ating kapwa.
Pagpapahalagang Intelektuwal
Nandito ang ating konsensya at ito din ang nagtutulak sa atin upang malayang makapagisip o magmalasakit at magmahal.
Pagpapahalagang Moral
Sa pamamagitan ng ating pananampalataya,tayo ay nabubuklod nito sa ating Panginoong Diyos.
Pagpapahalagang Espiritwal
Ito ay ipinagkaloob sa atin ng Panginoong Diyos upang makipagugnayan tayo sa ating kapwa nang may kabutihan.Nagiging mabuti din ang ating ugnayan sa ating pamilya dahil dito.
Pagpapahalagang Sosyal
Ang mabuting pagkatao ang susi sa pagunlad ng ating pamayanan.
Pagpapahalagang Politikal o Panlipunan
Ito ay isang kakayahang ipinagkaloob ng Panginoong Diyos sa atin upang makapaghanapbuhay tayo ng marangal upang matutusan ang ating mga pangangailangan para sa pamilya at ating sarili.
Pagpapahalagang Pangkabuhayan
Herarkiya ng Pagpapahalaga
1 - Pandama
2 - Interpersonal
3 - Espiritwal
4 - Banal
Ito ay sinasakop ng pagpapahalaga sa ating kalusugan tulad ng pagkain,pag-inom ng malinis na tubig at pagsusuot ng damit na angkop sa panahon dahil ang taong malusog ay madaling nakakagawa ng mas marami pang gawain.
Pandamang Pagpapahalaga
Ito ay lilinang sa mga katangian ng tao upang patuloy na mapapabuti ng sibilisasyon.Tuon nito ang bahaging sikolohikal.Pagkikipagugnayan sa kapwa.
Interpersonal na Pagpapahalaga
Mas mataas na naunang pagpapahalaga.Kaugnay ang kabutihang panlahat.Kasama rito ang pagpapahalagang katarungan,katotohanan,at kapayapaan.
Espiritwal na Pagpapahalaga
Ang pagkabanal ang siyang rurok ng ganap na pagiging tao.
Banal na Pagpapahalaga