Bible verses Flashcards
Almighty God (——————–)
(Rev. 1:8): “Ako ang alpha at ang omega,” sabi ng Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, ang kasalukuyan, nakaraan, at darating.
(Rev 22:13)
Alpha at Omega- Ako ang Alpha at Omega, ang una at ang huli, ang simula at ang wakas.
Advocate (——————)
(1 John 2:1): Mga anak isinulat ko ito sa inyo upang huwag kayong magkasala. Ngunit kung magkasala ang sinuman, may Tagapagtanggol tayo sa Ama, si Jesu-Cristo, ang matuwid.
(Hebrews 12:2)
Author and Perfector of our Faith- Ituon nating ang ating paningin kay Jesus. Sa kanya nakasalalay ang ating pananampalataya mula simula hanggang katapusan.
Authority
(Matthew 28:18): Lumapit si Jesus at sinabi sakanila, “Ibinigay na sakin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at lupa
(John 6:35)
Bread of life- Sinabi ni Jesus, “Ako ang tinapay ng buhay. Ang lumalapit sakin ay hindi na magugutom kailanman at ang sumasampalataya sakin ay hindi na mauuhaw kailanman.
Beloved Son of God
Matthew 3:17- Isang tinig mula sa langit ang nagsabi, “Ito ang minamahal kong anak na lubos kong kinalulugudan.”
(Matthew 9:15)
Bridegroom- Sumagot siya, “Dapat bang malungkot ang mga panauhin sa kasalan habang kasama pa nila ang lalaking kinakasal? Kapag wala na ito, saka pa lamang sila mag-aayuno
Psalm 118:22
Chief cornerstone- Ang batong itinakwil ng mga tagapatayo ng bahay, ang siyang naging batong-panulukan.
Deliverer
1 Thessalonians 1:10- At maghintay sa pagbabalik ng kanyang anak mula sa langit. Ito’y si Jesus na muli niyang binuhay; na siya ring nagliligtas sa atin sa darating na poot ng Diyos.
Rev. 19:11
Faithful and true): Pagkaraan nito’y nabuksan ang langit, at Nakita ko ang isang kabayong puti. Ang sakay nito’y tinatawag na tapat at totoo, sapagkat matuwid siyang tumahol at makipagdigma.
Good shepherd
(John 10:11): Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa.
Hebrews 4:14
Great high priest- Kaya nga magpakatatag tayo sa ating pananampalataya, dahil mayroon tayong dakilang pinakapunong pari na pumasok na sa kalangitan, doon mismo sa harap ng Diyos. Siya’y walang iba kundi si Jesus na anak ng Diyos.
Head of the church
Ephesians 1:22 ): Ipinailalim ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya,
Acts 4 29-30
Holy Servant- At Ngayon, Panginoon, tingnan Ninyo, pinagbabantaan nila kami. Bigyan niyo ng katapangan ang iyong mga alipin upang iparangal ang inyong salita. Iunat Ninyo ang inyong mga kamay upang mag pagaling, at loobin Ninyo na sa pangalan ng inyong banal na lingkod na si Jesus ay makagawa kami ng mga himala.