Bible Answer Flashcards

1
Q

Ano ang pangalan ng Iglesia?

A

Iglesia ng Dios.
1Tim 3:15; 2Cor 1:1

1Tim 3:15 Nguni’t kung ako’y magluwat ng mahabang panahon, ay upang maalaman mo kung paano ang dapat sa mga tao na ugaliin nila sa bahay ng Dios, na siyang iglesia ng Dios na buhay, at haligi at suhay ng katotohanan.

2Cor 1:1 Si Pablo, na Apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, at si Timoteo, na ating kapatid sa Iglesia ng Dios na nasa Corinto, kalakip ng lahat ng mga banal na nasa buong Acaya.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
2
Q

Ano ang idadagdag sa pananampalataya?

A
  1. Kagalingan (virtue).
  2. Kaalaman (knowledge).
  3. Pagpipigil (self-control).
  4. Pagtitiis (perseverance).
  5. Kabanalan (godliness).
  6. Mabuting kalooban sa kapatid (brotherly kindness).
  7. Pagibig (love).

2Pet 1:5 - 1:7

2Pet 1:5 Oo, at dahil din dito, sa pagkaragdag sa ganang inyo ng buong sikap, ay ipamahagi ninyo sa inyong pananampalataya ang kagalingan; at sa kagalingan ay ang kaalaman;
2Pet 1:6 At sa kaalaman ay ang pagpipigil; at sa pagpipigil ay ang pagtitiis; at sa pagtitiis ay ang kabanalan;
2Pet 1:7 At sa kabanalan ay ang mabuting kalooban sa kapatid; at sa mabuting kalooban sa kapatid ay ang pagibig.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly
3
Q

Makakapagsinungaling ba ang Dios?

A

Hindi.
Tit 1:2; Heb 6:18; Jn 17:17

Tit 1:2 Sa pagasa sa buhay na walang hanggan, na ipinangako ng Dios na di makapagsisinungaling buhat pa ng mga panahong walang hanggan;

Heb 6:18 Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya’y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:

Jn 17:17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo’y katotohanan.

How well did you know this?
1
Not at all
2
3
4
5
Perfectly