Batas Flashcards
lol
Panukalang Batas 148
Ito ay ang hindi pinatibay na batas tungkol sa pagtuturo ng katutubong diyalekto sa paaralang bayan noong panahon ng mga Amerikano
Batas ukol sa paggamit ng wikang kastila
Ang huling araw na gagamitin ng mga kawani ang wikang kastila ay Enero 1, 1906
Artikulo XIV Sek. 3 ng Saligang Batas 1935
ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa
ayon sa Saligang batas 1935
Ang wikang opisyal sa pilipinas ay Ingles
Batas komonwelt 184
itinatag ang surian ng wikang pambansa noon nobyembre 19, 1936 ayong sa batas na itong lnilagdaan ni Manuel Quezon. Ang layunin nito ay pagaralan ang mga katutubong wika upang piliin ang pagbabatayan ng wikang pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap 134
Ayon sa batas na ito na nilagdaan ni manuel quezon, ang wikang tagalog ay pagbabatayan ng wikang pambansa dahil it ay: ginagamit ng marami (pati na rin ng mga hindi tagalog upang magkaintindihan), ito ay may mayamang talasalitaan, ang Maynila ay ang sentro ng kalakalan at edukasyon, at sinasalita ng marami
Kautusang Tagapagpaganap 263
1.) Pinalabas noong Abril 1, 1940 2.) Natadhana ng batas na ito ang paglilimbag ng diksyunaryo at balarila ni Lope K. Santos. 3.) Simula Hunyo 19, 1940 ay tuturuin na rin ang wikang pambansa sa paaralan
Sirkular Blg. 26
Noong Abril 12, 1940 ang batas na ito ay nagpatibay ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mataas ba paaralan at paaralang normal.
Batas Komonwelt 570
Simula Hulyo 4, 1946 ang wikang pambansa ay isang wikang opisyal ng bansa
Ordinansa Militar 13
Hunyo 24, 1942 - ang opisyal na wika sa Pilipinas ay Niponggo at Tagalog
Artikulo XIV 1987
Wika. Ipinagtibay sa Kumbensyong Konstitusyonal pagkatapos ng EDSA revolution kung saan namuno si Cecilia Palma Munoz
1987 XIV sek. 6
Ang wikang pambansa ay Filipino
1987 sek. 7
Ang wikang opisyal ay Filipino, Ingles at hanggang walang kasalungat ng batas, wikang panrehiyon bilang pantulong
1987 XIV sek. 8
Dapat ilimbag ang konstitusyon sa wikang Filipino at Ingles, at isasalin sa Arabic, Kastila, at wikang panrehiyon
1987 XIV sek. 9
Pagtatag ng Komisyon ng Wikang Pambansa
Proklama Blg. 12
Noong Marso 26, 1954 ay inilipa ni Pangulo Ramon Magsaysay ang Linggo ng Wika mula Marso 29 - Abril 4 sa Agosto 13 - 19
Kautusan blg. 7 s.1959
Ayon sa itong batas na nilagdaan ni Jose Romero Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, ang pangalang ‘Pilipino’ ay gagamiting pantukoy sa wikang pambansa noong Agosto 12, 1959
Kautusang Tagapagpaganap 96
Pinsalin ni F.E Marcos ang mga pangalan ng mga gusali at tanggapang pampamahalaan sa Wikang Pambansa noong Oktubre 24, 1967
Memorandum Sirkular 172
Ayon sa batas na nilagdaan ni Rafael Salas Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon papalitan ang mga pamuhatan ng liham ng tanggapang pampamahalaan sa Wikang Pambansa noon Marso 27, 1968
Memorandum Sirkular 199
Agosto 5, 1968 - pagdalo ng mga pinuno at empleyado ng pamahalaan sa mga seminar sa Filipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika
Kautusang Tagapagpaganap 187
Agosto 6, 1968 - Ang batas na ito ay tungkol sa paggamit ng wikang pambansa habang maaari sa Linggo ng Wika sa lahat ng komunikasyon at transaksyon ng pamahalaan
Memorandum 277
Agosto 7, 1969 - ni Ernesto Maceda Kalihim Tagapagpaganap na pinalitan lamang ang Mem Sirk 199 na tungkol sa pagdalo sa seminar ng wikang pambansa
Kautusang Tagapagpaganap 304
sa taong 1971 napanauli ni Marcos ang SWP sa kanyang dating kayarian, at ipinaliwanag ang kapangyarihan at tungkulin nito
Memorandum Sirkular 488
Noong 1971 nagpalabas si Kalihim Tagapagpaganap Alejandro Melchor ng Mem Sirk 488 na nagbigay diin sa Proklamasyon 186 s. 1955 na lahat ng tanggapang pampamahalaan ay magdadaos ng mga palatuntunan sa Linggo ng Wikang Pambansa