barayti ng wika Flashcards
Ano ang Baratyi ng wika?
Ito ay tumutukoy sa anumang kapansin-pansin na anyo ng wika o uri ng pananalita ng isang tao o grupo ng taong gumagamit nito. Nakikita ito sa pagbigkas, intonation, estilo, pagbuo ng mga pangungusap at bokabularyo.
Ano ang Speech Community?
Ito ay isang pangkat ng mga taong may pinagsasaluhang mga tuntunin at inaasahan ukol sa paggamit ng wika.
Ano ang Sosyolingguwistika?
Ito ay ang pag-aaral ng mga katangiang lingguwistiko ng wika na may halagang panlipunan sa mga taong gumagamit nito.
Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng sosyolingguwistika?
Ang pagkakaroon nito ay bunga ng paniniwala ng mga linggwista na ang wika ay heterogeneous o nagkakaiba-iba.
Ano ang Dayalek o Dialect?
Ito ay ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan.
Ano ang halimbawa ng Dayalek?
Tagalog ng mga taga-Batangas: Ala e! Ang bait naman nito!
Tagalog ng mga taga Nueva Ecija: Kabait naman ng taong nere! Tagalog ng mga taga-Cavite: Ay pagkabait ng taong ito!
Ano ang Idyolek o Individual Dialect?
Ito ang natatanging paraan ng pagsasalita o pagsusulat ng tao na nagsisilbing pagkakakilanlan.
Ano ang mga salik na nagpapakilala ng Idyolek?
- Kwaliti ng boses ng tagapagsalita 2. Katayuang pisikal 3. Paraan ng kanyang pagsasalita 4. Uri ng wikang ginamit niya na maaaring bunga ng kanyang mga karanasan at kapaligirang kinalakihan.
Ano ang Sosyolek?
Nakabatay ito sa katayuan o antas panlipunan ng mga taong gumagamit ng wika.
Ano ang halimbawa ng Sosyolek?
- Wika ng mga Beki (Gay Lingo) - India Jones (hindi sumipot) 2. Wika ng mga Coño (Coñospeak) - ‘Let’s make kain na.’ 3. Jejemon o Jejespeak - ‘Muztah’ (kamusta?)
- Jargon (Bokabularyo ng partikular na propesyon): Abogado: appeal, exhibit; Doktor: reseta, generic; Guro: lesson plan, discussion.
Ano ang Etnolek?
Barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Pinagsamang salitang ‘etniko’ at ‘dialek.’
Ano ang halimbawa ng Etnolek?
- Bulanon - Full moon 2. Palangga - Mahal o minamahal 3. Kalipay - Tuwa o ligaya.
Ano ang Ekolek?
Karaniwang ginagamit sa loob ng tahanan, madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata.
Ano ang halimbawa ng Ekolek?
- Palikuran - Banyo o kubeta 2. Silid-tulugan - Kwarto 3. Pamingganan - Lalagyan ng plato.
Ano ang Register?
Barayti ng wika na naiaangkop sa sitwasyon at kausap.
Ano ang dalawang uri ng Register?
- Pormal na Wika - Ginagamit sa mga opisyal na okasyon. 2. Di-Pormal na Wika - Ginagamit sa kaibigan, kamag-anak, kaklase, at kaedad.
Ano ang halimbawa ng Pidgin?
‘Ako kita ganda babae.’ (Nakakita ako ng magandang babae.)
‘Ikaw aral mabuti para ikaw taas grado.’
Ano ang Creole?
Isang wika na nadebelop mula sa pinaghalo-halong salita ng mga tao mula sa magkaibang lugar, hanggang sa ito ay maging pangunahing wika ng isang partikular na lugar.