Barayti ng Wika Flashcards
Iba’t ibang salita ngunit pareho o
iisa lamang ang kahulugan.
Homogeneous na wika
wikang iba-iba ayon sa lugar,
grupo, at pangangailangan ng paggamit
nito.
Heterogeneous na wika
Dahil dito, nagkaroon ng maraming
baryasyon o barayti na wika.
Heterogeneous na wika
wikang likas at nakasanayan
nang gamitin ng mga tao sa lipunan.
PERMANENTENG BARAYTI
Salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na
rehiyon o lalawigan.
Dayalek/Dayalekto
May sariling istilo ng pamamahayag at pananalita.
Idyolek
wikang hindi nagtatagal sapagkat
nakabatay lamang sa lagay ng panahon sa
lipunan.
Pansamantalang Barayti
nabubuo ng dimensyong sosyal; nakabatay sa
pangkat ng lipunan.
Sosyolek
Wikang nabuo dahil sa iba’t ibang propesyon
na umiiral.
jargon
kalimitang ginagamit sa tahanan.
Ekolek
Nabuo ang wikang ito dahil sa pangangailangan
ng tagapagsalita at walang pormal na anyo.
Pidgin
wika na orihinal na nagmula sa pagiging pidgin
ngunit nang maglaon ay nalinang at lumaganap sa
isang lugar hanggang ito na ang maging unang wika.
Creole
iba’t ibang uri ng mga wikang ginagamit sa
komunidad sa paglipas ng panahon.
Lingguwistikong Komunidad
Ito ang nakagisnang wika ng isang indibidwal.
Unang Wika
ang unang wika ay kilala sa tawag na:
“katutubong wika”
wikang natutuhan ng isang
indibidwal sa pakikisalamuha sa
kaniyang kapwa.
Ikalawang wika
wikang nagbabago at
nagagamit ng indibidwal sa
pakikisalamuha sa lipunang
kanyang kinabibilangan.
Ikatlong Wika
kakayahan ng isang tao na kayang
magsalita ng higit sa isang wika o lenggwahe.
Bilingguwalismo
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o
indibidwal na makaunawa at makapagsalita ng
iba’t ibang wika.
Multilingguwalismo