Barayti Ng Wika Flashcards
Ang _____ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal.
Wika
Sa pamamagitan ng ____, ay nailalabas o napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pakikipagtalastasan at iba pa. pagsusulat,
Wika
Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo O tatak na ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang namumukod tangi at yunik.
Idyolek
lto ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain.
Dayalek
Tatlong Uri ng Dayalek
- Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)
- Dayalek na Tempora (batay sa panahon)
- Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan)
Tinatawag na “Sosyalek❞ Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.
Sosyolek
lsang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.olsang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.
Etnolek
Barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw- araw na pakikipagtalastasan.
Ekolek
Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.
Pidgin
Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).
Creole
Ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular ng gawain
Jargon
Minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
Register
Ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.
Field o Larangan
Paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.
Mode o Modo
Ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.
Tenor