Balangkas Flashcards
Paunang plano o istruktura ng pag-aaral na nagbibigay
ng malinaw na direksyon kung paano
isasagawa ang pananaliksik.
Tentatibong Balangkas
5 hakbang sa pagsulat ng TB
-pagtukoy sa paksang pag aaralan
-pagbuo ng layunin ng pananaliksik
-pagsusuri ng datos
-pagbuo ng pangunahing datos
-pagsulat ng balangkas
Ito ang pambungad na bahagi ng pag-aaral. Dito ipinapaliwanag ang pangunahing ideya ng pananaliksik at kung bakit ito mahalaga.
Panimula
Isang maikling pagpapakilala sa paksa ng pananaliksik, kasama ang background nito.
Introduksyon ng Paksa
Inilalahad dito ang mga layunin o kung ano ang gustong matamo ng pag-aaral.
Layunin ng Pag aaral
Ipinapaliwanag dito kung bakit mahalaga ang pananaliksik na ito at sino ang maaaring makinabang dito.
Kahalagahan ng Pag aaral
Dito tinatalakay ang mga naunang pag-aaral at iba pang sangguniang may kaugnayan sa paksa upang mabigyan ng konteksto ang pananaliksik.
Review ng Kaugnay na Literatura
Ipinaliliwanag dito ang paraan ng pagsasagawa ng pananaliksik, kabilang ang mga pamamaraan sa pangangalap ng datos, mga kasangkot na kalahok, at mga instrumentong ginamit.
Metodolohiya
Inilalahad dito ang mga natuklasan sa pananaliksik at ang pagsusuri nito, pati na rin ang mga implikasyon ng mga resulta sa paksa ng pag-aaral.
Resulta at Diskusyon