bahagi ng pananalita Flashcards
pangngalan/noun
ngalan na tumutukoy sa tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari (lapis, aso, bata, lunes)
panghalip/pronoun
pumapalit sa pangngalan upang hindi ito paulit-ulit (ako, ikaw, tayo, sila)
pandiwa/verb
tumutukoy sa kilos o galaw (tumakbo, sumayaw, tumayo)
pang-uri/adjective
naglalawaran ng pangngalan o panghalip (maganda, mabilis, maliit, matalino)
pang-abay/adverb
naglalarawan ng pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay (napaka, lagi, minsan, noon, ngayon)
pangatnig/conjuction
nag-uugnay ng mga salita, parirala at sugnay (at, pero, dahil, kaya)
pang-angkop/ligature
mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na, -ng, -g)
pang-ukol/preposition
nag-uugnay sa pangngalan, panghalip, o parirala sa ibang mga salita sa pangungusap (sa, ng, para sa, at)
pantukoy/article
ginagamit sa pantukoy sa tao, hayop, o kaisipan (ang, si, sina)
pandamdam/interjection
nagpapahayag ng damdamin (aray! wow!)