Awiting Bayan Flashcards
Mga katangian ng awiting bayan
*Pagsasalaysay ng karanasan at tradisyon
*Kasimplehan ng mga salita
*May sukat at tugma
*May melodihiya
Ang _____ ay tradisyonal na awit na nagpapahayag ng opinyon, damdamin, at karanasan ng mga Pilipino.
awiting bayan
Mga Uri ng Awiting Bayan
1.) Kundiman
2.) Balitaw
3.) Kumintang
4.) Pananapatan
5.) Oyayi
6.) Diona
7.) Soliranin
8.) Talindaw
9.) Dalit o Imno (Himno)
10.) Dung-aw
11.) Sambotani
12.) Pangangaluluwa
13.) Maluway
14.) Kutang-kutang
15.) Rawitdawit
Isang uri ng awit ng pag-ibig na nagpapahayag ng pagmamahal, pagpapakasakit, at pagsasakripisyo. Inaawit ito kapag dumadalaw o nanghaharana sa nililigawan.
Kundiman
Ito ay isang tradisyonal na romantikong awit mula sa Visayas na ginagamit din sa panliligaw.
Balitaw
Ito ay isang uri ng awit na nagtatampok ng mga kwento ng pakikipaglaban, pakikidigma, at kabayanihan.
Kumintang
Ito ang pangharana sa Tagalog na may layunin na maipahayag ang pag-ibig sa isang tao.
Pananapatan
Ginagamit para sa pagpapatulog ng bata.
Oyayi
Isang awit na ginagamit sa pamamanhikan o kasal.
Diona
Isang uri ng awit sa paglalayag o pamamangka.
Soliranin
Isang pang uri ng awit sa pamamangka.
Talindaw
Isang uri ng awit panrelihiyon para sa pagpupuri, pagluwalhati, at pasasalamat sa Diyos.
Dalit o Imno (Himno)
Ito ay awit sa patay o pagdadalamhati ng mga Ilocano.
Dung-aw
Isang uri ng awit ng pagtatagumpay.
Sambotani
Awit sa araw ng mga patay ng mga Tagalog.
Pangangaluluwa