Aspekto Ng Pandiwa Flashcards
Salitang kilos o gawa.
Pandiwa
Ano ang dalawang uri ng Pandiwa?
Palipat at Katawanin
Ito ay uri ng pandiwa na mayroong tuwirang layon na tumatanggap ng kilos.
Palipat
Hindi nito kailangan ng tuwirang layon dahil buo na ang diwa nito.
Katawanin
Uri ng pandiwa na karaniwang kasunod ng pandiwa at karaniwang pinangungunahan ng katagang sa/sa mga, ng/ng mga, kay o kina.
Palipat
Ang aspektong naganap ay kilala rin bilang _____.
Perpektibo
Ang aspektong nagaganap ay kilala rin bilang ____.
Imperpektibo
Aspektong pandiwa na nagsasaad na katatapos lamang ng kilos o gawa.
Aspektong katatapos
Ang magaganap ay kilala rin bilang _____.
Kontemplatibo
Ito ay nagsasaad na tapos o nangyari na ang kilos.
Naganap o perpektibo
Ito ay nagsasaad na kasalukuyan o patuloy na nangyayari ang kilos.
Nagaganap o Imperpektibo
Ito ay nagsasaad ng kilos na hindi pa nagagawa o gagawin pa lamang.
Magaganap o kontemplatibo
Ang “formula” ng katatapos ay…
ka + unang pantig ng salitang ugat + salitang ugat