Araling Panlipunan (Economics) Flashcards
Ito ang paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ito ay proseso kung saan pinagsasama ang mga salik ng produksyon (input) upang mabuo ang isang produkto (output).
PRODUKSYON
ANTAS NG PRODUKSYON
Hilaw na sangkap (palay, fabric)
PRIMARY
ANTAS NG PRODUKSYON
Pagproseso ng hilaw na sangkap
INTERMEDIATE
ANTAS NG PRODUKSYON
Pagsasaayos sa mga tapos na produkto (labelling, display, etc)
FINAL
SALIK NG PRODUKSYON
Lahat ng bagay na pinanggagalingan ng mga hilaw na sangkap.
Lahat ng orihinal at hindi napapalitan yaman ng kalikasan.
Lupa lamang ang tanging salik na maituturing permanente o fixed.
Halimbawa:
Mga lupang pagtataniman, pinagpapastulan, lupa sa lungsod, at kabundukan ng ginagamit sa iba’t ibang paraan.
LUPA
SALIK NG PRODUKSYON
Lahat ng bagay na ginagamit ng tao upang isailalim sa isang proseso.
Ito ay gawa ng tao at nakakaranas ng pagkasira at pagkaluma.
May dalawang uri: Circulating Capital at Fixed Capital.
KAPITAL
DALAWANG URI NG KAPITAL
Ito ay ang mga gamit na mabilis maubos.
(hal: hilaw na sangkap, pera)
CIRCULATING CAPITAL
DALAWANG URI NG KAPITAL
Ito ay ang mga gamit na matagal ang gamit.
(hal: kotse, makinarya, etc.)
FIXED CAPITAL
SALIK NG PRODUKSYON
Tumutukoy sa mga taong nag-uukol ng lakas na pisikal at mental sa paglikha ng mga kalakal o paglilingkod.
PAGGAWA/LABOR
SALIK NG PRODUKSYON
Ito ay binubuo ng mamayang nasa edad 15 pataas na may sapat na talino, kakayahan, at kahandaan na maging bahagi ng gawaing pamproduksyon sa bansa.
LAKAS-PAGGAWA O LABOR FORCE
URI NG EMPLEYO
Kung saan ang kurso ng isang tao ay nakahanay sa kanilang trabaho at sila ay nagtatrabaho ng >8 oras sa isang araw.
EMPLOYED
URI NG EMPLEYO
Kung saan ang kurso ay hindi nakahanay sa trabaho at/o sila ay nagtatrabaho ng <8 na oras sa isang araw.
UNDEREMPLOYED
URI NG EMPLEYO
Ang tao ay walang trabaho. :(
UNEMPLOYED
TAMA o MALI?
Maliban kung nagtatrabaho ang isang tao ng >8 na oras at ang kurso nila ay nakahanay sa kanilang trabaho.
Ang freelancer ay hindi employed. Sila ay self-employed.
TAMA o MALI?
TAMA
Ano ang mga uri ng Lakas-Paggawa?
PROPESYONAL, MANGGAGAWA at ENTREPRENEUR
URI NG LAKAS-PAGGAWA
Sila ay mga nakapagtapos ng kolehiyo.
PROPESYONAL
URI NG LAKAS-PAGGAWA
May Kasanayan o Skilled: May mataas na antas ng kaalaman, kasanayan o karanasan.
May Kaunting Kasanayan o Semi-Skilled: Ang kasanayan, kaalaman at karanasan ay higit na mababa kaysa na manggagawa.
Walang Kasanayan o Unskilled/Non-skilled: Ang mga taong walang kaalaman, kasanayan o karanasan.
MANGGAGAWA
URI NG LAKAS-PAGGAWA
Tumutukoy sa mga taong namamahala sa ibang salik ng produksyon upang makalikha ng kalakal o serbisyo.
Tinatawag din sila bilang mga negosyante.
ENTREPRENEUR
Isang graph o mathematical equation na naglalarawan sa ugnayan ng mga input o sangkap ng produksyon sa mga output o nagawang produkto, na kung ano ang input, nakadepende rito ang kalidad o kantidad ng malilikhang produkto o output.
PRODUCTION FUNCTION
Sa imperfect competition, ang presyo ng produkto ay constant. TAMA o MALI?
MALI. PERFECT COMPETITION
Makaagham na pamamahagi ng pinagkukunang-yaman sa bansa.
ALOKASYON
Ang ALOKASYON ay sumasagot sa TATLONG TANONG LAMANG.
MALI. Ang ALOKASYON ay sumasagot sa LIMANG TANONG.
Anong uri ng Sistemang Pang-Ekonomiya ang Pilipinas?
KAPITALISMO AT MARKET ECONOMY
PAG-UUGNAY BATAY SA IDEOLOHIYA
Nakilala noong ika-16 na siglo sa Western Europe. Basta mas marami kang ginto at pilak, mas mayaman ka. Ang bansa ay uunlad lamang sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-angkat at pagsuporta naman sa pagluluwas ng mga kalakal.Pagpapanatili ng tinatawag na domestic employment.
MERKANTILISMO
PAG-UUGNAY BATAY SA IDEOLOHIYA
Ito ay isang uri ng sistema na lumilikha ng makataong lipunang hindi tumitingin sa kaurian o estado ninuman. Ang ‘bibliya’ nito ay ang ‘Das Kapital’ na ginawa ni Karl Marx. Ipinatupad ito sa Russia noong 1927 ni Vladmir Ilich Lenin. Ipaglaganap naman ito sa Tsina ni Mao Zedong.
KOMUNISMO
PAG-UUGNAY BATAY SA IDEOLOHIYA
Pag-aari ng pamahalaan ang mga pangunahing industriya o gawain gayundin ang mga gamit sa produksiyon. Pinapayagan sa sistemang ito ang pagmamay-ari ng tao ng maliliit na negosyo ngunit may mga uri pa rin ng negosyo na maaaring kontrolin ang pamahalaan.
Ang layunin ito ay ang pagkakaroon ng patas o pagkakapantay-pantay na kalagayan ng mga tao sa isang bansa. Ang pagkakamit ng tinatawag na welfare state sa ideolohiyang ito ay isang daan upang maibigay ang pangangailangan ng tao.
SOSYALISMO
PAG-UUGNAY BATAY SA IDEOLOHIYA
Sinimulan ni Benito Mussolini sa bansang Italy. Si Adolf Hitler ay ang nagpakilala nito sa Germany. Ang diktador ay mayroong absolutong kapangyarihan.
Ipinagbabawal ang pag-aangkat ng produkto galing sa ibang bansa. Ang mga tao ay walang karapatang sumaway at magreklamo.
PASISMO
PAG-UUGNAY BATAY SA IDEOLOHIYA
Ang pribadong pagmamay-ari ay ginagarantiyahan ng mga institusyong legal. Ang layunin ng mga gawaing pamproduksiyon ay para makapagbenta, hindi lamang para makabili.
Ang pag-iipon ng kapital ay upang higit na mapalago o mapalawak ang negosyo at magpalaki ang tubo ng mga mamumuhunan. Ang pagpapabuti ng kalidad ng produkto ay bunsod ng kompetisyong namamagitan sa mga negosyante.
Kaunti o maliit lamang ang papel ng pamahalaan at halos walang kinalaman sa mga gawaing pang-ekonomiya.
KAPITALISMO
PAG-UUGNAY BATAY SA KASALUKUYANG KATAWAGAN
Ito ang pinakauna at simpleng anyo ng sistemang pang-ekonomiya. Simple rin ang mga pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Pwede icompare ito sa sosyalismo.
TRADISYONAL NA EKONOMIYA
PAG-UUGNAY BATAY SA KASALUKUYANG KATAWAGAN
May kalayaan ang lahat ng kalahok sa ekonomiya na gumalaw ayon sa mga pansariling intres.
MARKET ECONOMY
MARKET ECONOMY
Isang uri ng sistemang pang-ekonomiya na kinokontrol ng mga puwersa ng pamilihan ng supply at demand, kumpara sa isa na kinokontrol ng mga kontrol ng gobyerno.
FREE MARKET
PAG-UUGNAY BATAY SA KASALUKUYANG KATAWAGAN
Paggawa ng Desisyon - mga mamamayan
Pagtatakda ng Presyo – pinagkasunduang presyo ng mamimili at prodyuser
MARKET ECONOMY
PAG-UUGNAY BATAY SA KASALUKUYANG KATAWAGAN
Ang kabaligtaran ng Market Economy. Ang buong ekonomiya ay nasa kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Pwede icompare ito sa pasismo.
COMMAND ECONOMY
PAG-UUGNAY BATAY SA KASALUKUYANG KATAWAGAN
Kombinasyon ng mga katangian ng Market Economy at Command Economy. Ang mga pangunahing industriya ay nasa ilalim ng estado at ang iba pang mga negosyo o produksiyon ay nasa kamay ng pribadong pagmamay-ari.
MIXED ECONOMY
Ano-ano ang limang tanong na sumasagot sa Alokasyon?
ANO ANG GAGAWIN?
PAANO ITO GAGAWIN?
GAANO KARAMI ANG GAGAWIN?
PARA KANINO ANG GAGAWIN?
PAANO ITO IPAPAMAHAGI?
Ang bansang ito ay nabansagang pinakamalaking dumper sa mundo.
TSINA
Ito ay isang gawain ng isang bansang mas makapangyarihan kung saan ipinabagsak nila ang kanilang produkto sa presyong mas mababa na maaaring magresulta sa pagmamanipula ng kalakalan.
DUMPING
PAANO ITO IPAPAMAHAGI?
Makikinabang ay kung sino ang mauuna.
PAUNAHAN O “FIRST COME, FIRST SERVE”
PAANO ITO IPAPAMAHAGI?
Ginagawa ito kapag pinaaalalahanan ng pamahalaan ang mga mamamayan na tipirin ang pinagkukunang yaman.
Nagsasaad ng kakapusan, at pantay na ibinibigay ang mga mapagkukunan.
PAGRARASYON
PAANO ITO IPAPAMAHAGI?
Kaugnay ng paunahan ang pamamahagi ay maaaring daanin dito. Ito ay maaaring nakabatay sa karunungan, lakas o productivity.
KOMPETISYON
PAANO ITO IPAPAMAHAGI?
Pinakaepektibo sa lahat ng pamamaraan. Ito ang maaaring gawing batayan upang ang pinagkukunan o pakinabang ay makarating sa nangangailangan o may gusto nito.
PRESYO
Ang ‘bibliya’ ng Komunismo ay ang?
“DAS KAPITAL” BY KARL MARX
Ipinatupad ang Komunismo sa Russia noong 1927 ni?
VLADMIR ILICH LENIN
SOSYALISMO
Ito ay isang daan upang maibigay ang pangangailangan ng tao. Ito ay tawag sa sistemang ginagamit ng ilang pamahalaan sa naglalayong pangalagaan ang kalusugan at kapakanan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng pensiyon at iba pang benepisyo.
WELFARE STATE
Ipaglaganap ang komunismo sa Tsina ni?
MAO ZEDONG
Sa ilalim ng kapitalismo pinahihintulutan ang pribadong pagmamay-ari na ginagarantiyahan ng mga institusyong legal. TAMA o MALI?
TAMA
Masasabing nakamit ang optimum lebel ng produksyon kapag ang MR=MC. TAMA o MALI?
TAMA
Ang pormula para sa Y ay Q x TR.
MALI. Y = TR - TC
Nasa Primary stage na kapag ang gatas, yelo, tubig at flavoring ay pinaghahalo na para gawing milktea. TAMA o MALI?
MALI. INTERMEDIATE STAGE
Ang harina, cheese at asukal ay nasa ENTREPRENEUR na salik ng produksyon. TAMA o MALI?
MALI. LUPA
Ang produksyon ay ang siyentipikong distribusyon ng pinagkukunang yaman. TAMA o MALI?
MALI. ALOKASYON
Command Economy ay maihahalintulad sa Pasismo na ideolohiya ng sistemang pang ekonomiya. TAMA o MALI?
TAMA
Ang pormula ng MR ay ∆TR/∆Q. TAMA o MALI?
TAMA
Ang pormula para sa MC ay ∆TC/∆Q. TAMA o MALI?
TAMA
Si Karl Marx ang itinuturing na ama ng komunismo dahil sa kanyang aklat na Das Kapital na siyang itinuturing na bibliya nito. TAMA o MALI?
TAMA
Sa apat na pamamaraan ng pagbabahagi, ang FIFO ang pinaka epektibong sa lahat. TAMA o MALI?
MALI. PRESYO ANG PINAKA EPEKTIBO.
Si Andres, na nagtapos ng Engineering na kurso ay matatawag na employed dahil siya ay hindi nagtatrabaho at nasa bahay lamang. TAMA o MALI?
MALI. SI ANDRES AY TINATAWAG NA UNEMPLOYED DAHIL SIYA AY HINDI NAGTRATRABAHO.
Ang produksyon ay ang paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao. TAMA o MALI?
TAMA
Ang mga taong nag-uukol ng lakas na pisikal at mental ay ang salik ng produksyon na tinatawag na kapital. TAMA o MALI?
MALI. ANG TAWAG SAKANILA AY PAGGAWA/LABOR
Ang pangunahing layunin ng kalakalan sa ilalim ng merkantilismo ay ang magkaroon ng maraming reserba ng ginto at pilak. TAMA o MALI?
TAMA
Ang simbolo na ito ay tinatawag na delta.
Δ
PORMULA PARA SA TR (Total Revenue)?
TR = (Quantity/Q)(Presyo/P)
PORMULA PARA SA Y (Income)?
Y = (Total Revenue/TR) - (Total Cost/TC)
PORMULA PARA SA AR (Average Revenue) ?
AR = (Total Revenue/TR / (Quantity/Q)
PORMULA PARA SA MR (Marginal Revenue)?
MR = Δ(Total Revenue/TR) / Δ(Quantity/Q)
or TR minus the TR before it divided by Q minus the Q before it.
PORMULA PARA SA MC (Marginal Cost)?
MC = Δ(Total Cost/TC) / Δ(Quantity/Q)
or TC minus the TC before it divided by Q minus the Q before it.
Paano natin makukuha ang maximum profit/efficiency?
Para makuha ang maximum profit/efficiency, ang MR ay kailangan equal sa MC.
Kung fraction ang iyong Marginal Revenue o Marginal Cost, gawin itong decimal. TAMA o MALI?
TAMA
Ang Marginal Revenue ay laging constant. TAMA o MALI?
TAMA