Araling Panlipunan (3rd1st) Flashcards
to not fail exams
Ay dalawang salitang pinagsama:macro at economics. Nagmula sa wikang Griyego ang salitang ‘‘macro’’ na nangangahulugang ‘‘pangmalawakan’’ o ‘‘pangkabuuan’’. Ito ay sangay sa pag-aaral ng Ekonomiks na tumatalakay sa pangkalahatan o pangmalawakang aspekto ng ekonomiya ng isang bansa.
makroekonomiks
Nang dumating ang dekada ng 1930 nakaranas ng matinding kahirapan ang mga mamamayan dahil sa kawalan ng mga trabaho, pagkagutom, at pagkalugi ng mga negosyo
Great Depression
Pinangunahan ng ekonomistang Briton na si _ _ _ ang pagbabago sa mga kaisipan tungkol sa pagpapatakbo sa ekonomiya.
John Maynard Keynes
Ang nagmamay-ari ng lahat ng salik ng produksiyon.
Sambahayan
O negosyo, ang nagpapasiya kung gaano karaming produkto at serbisyo ang ibebenta, laban sa dami ng mga mangagawang kailangang bayaran upang mabuo ang mga ito
bahay-kalakal
Ay nagpapatupad ng mga polisiyang magpapanatili sa balanseng ugnayan ng mga bahay-kalakal at mga sambahayan
pamahalaan
Tumutukoy ito sa mga supplier na distributor ng mga produkto o serbisyong maaring mabili ng mga miyembro ng sambahayan.
Product Market
Ay tumutukoy sa mga artipisyal na pamilihang pinatatakbo ng mga supplier na kabilang sa mga manufacturer ng mga produkto.
Resource Market
Ang isang ekonomiya ay kinatatampukan din ng pag-ikot o sirkulasyon ng salapi
Financial Market
Mga Pangunahing Tagaganap sa Pambansang Ekonomiya (6)
sambahayan, bahay-kalakal, pamahalaan, product market, resource market, financial market
Una niyang tinalakay sa kaniyang akdang Tableau Economique ang konsepto ng isang paikot na daloy ng ekonomiya mula sa pag-aaral ng agrikultura.
Francois Quesnay
Ay ang salapi o perang tinatanggap ng mga manggagawa para sa mga serbisyong kanilang ginawa.
kita
Ay salapi o perang ginagamit upang tustusan ang mga pangangailangan ng mga bahay-kalakal at ng mga sambahayan.
gastusin
Naunang tinalakay ito sa unang yunit. Ito ang resulta ng sahod na tinatanggap ng mga sambahayan upang matustusan ang kanilang mga pangangailan sa araw-araw.
pagkonsumo
Ay singilin na ipinapataw ng pamahalaan sa mga sambahayan at bahay-kalakal kapalit ang mga serbisyo para sa mga mamamayan.
buwis
Tumutukoy naman ito sa tulong na ibinibigay ng pamahalaan para sa mga kalahok sa pambansang ekonomiya tulad ng serbisyo publiko, tanggulang pambansa, pagpapatupad ng batas, at pagpaparehistro sa lahat ng mamamayan
serbisyo
Mga Kagamitan sa Paikot na Daloy ng Ekonomiya (5)
kita, gastusin, pagkonsumo, buwis, serbisyo