Araling Panlipunan Flashcards
Ito ay sinasabi na ang relasyon ng presyo at demand ay hindi tuwiran. (Kapag tumataas ang presyo, bumababa ang quantity demanded. Kapag bumaba ang presyo, tataas ang quantity demanded.)
Batas ng Demand
Ito ay isang salitang LATIN na ang ibig sabihin ay “with other things being equal”, o “with other conditions remaining the same”
Ceteris Paribus
TAMA o MALI?
Kung ikaw ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto, ang PRESYO ang inyong pangunahing pinagbabatayan.
TAMA
Bakit hindi tuwiran ang ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded? (Why is the relationship between price and quantity demanded not direct?)
Substitution Effect - Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga tao ay maghahanap ng pamalit na produktong mas mura.
Income effect o Purchasing Power (Kakayahang Bumili) - Kapag mataas ang presyo, liliit ang kakayahang bumili ng mga tao. Kapag bumaba ang presyo, tataas ang kakayahang bumili ng mga tao.
Kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga tao ay maghahanap ng pamalit na produktong mas mura.
Substitution Effect
Kapag mataas ang presyo, liliit ang kakayahang bumili ng mga tao. Kapag bumaba ang presyo, tataas ang kakayahang bumili ng mga tao.
Income effect o Purchasing Power (Kakayahang Bumili)
Mga Salik ng Supply na Hindi Presyo
Pagbabago sa Teknolohiya, Pagbabago sa Halaga ng mga Salik ng Produksiyon, Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda, Pagbabago ng presyo ng kaugnay na produkto, Ekspektasyon ng Presyo, Subsidiya, Panahon.
Mga Salik ng Supply na Hindi Presyo
Ang teknolohiya ay ang makabagong paraan sa pagpoprodyus. Dahil sa teknolohiya, maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon na lalong hihikyat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang supply.
Pagbabago sa Teknolohiya
Mga Salik ng Supply na Hindi Presyo
Kapag tumaas ang presyo sa mga salik ng produksiyon (lupa, paggawa, kapital, etc), maaaring tumaas ang halaga ng produksyon at bumaba ang supply. Kapag bumaba ang presyo, maaaring tumaas ang supply.
Pagbabago sa Halaga ng mga Salik ng Produksyon
Mga Salik ng Supply na Hindi Presyo
Kung ano ang mga nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser na magprodyus at magtinda nito.
Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda
Mga Salik ng Supply na Hindi Presyo
Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakakaapekto sa quantity supplied ng mga produktong kaugnay nito.
Pagbabago ng Presyo ng Kaugnay na Produkto
Mga Salik ng Supply na Hindi Presyo
Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa mga madaling panahon, may magtatago ng produkto upang naibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap (hoarding). Ito ay hindi pinapayagan ng batas.
Ekspektasyon ng Presyo
Mga Salik ng Supply na Hindi Presyo
Ang tulong na ipinagkaloob ng pamahalaan sa maliliit na negosyante at magsasaka.
Subsidiya
Mga Salik ng Supply na Hindi Presyo
May mga pangyayari sa produksiyon na epekto ng panahon o kalikasan. (Bagyo, El Nino, El Nina)
Panahon
Sa bawat 1% na pagbabago sa presyo higit sa 1% ang pagbabago sa Qs. Kapag ang Ep ay higit sa 1 (>1)
Halimbawa: basic goods, tubig, kuryente
Elastik