Araling Panlipunan Flashcards
Ito ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa, ayon sa itinatakda ng batas.
PAGKAMAMAMAYAN
Tumutukoy sa kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro g isang pamayanan o estado.
PAGKAMAMAMAYAN
Dito nakapaloob ang pagkamamamayan ng mga Pilipino
SALIGANG BATAS
Dito nakasaad ang mga itinatakda ng batas kung sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino.
ARTIKULO IV, SEKSYON 1 - 5 NG 1987 KONSTITUSYON
Ang mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit ng karampatang gulang.
SEKSYON 1
Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na wala nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamayang Pilipino.
SEKSYON 2
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEKSYON 3
Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil ito.
SEKSYON 4
Ang dalawahang katapatan ng pagkamamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan nang kaukulang batas.
SEKSYON 5
Ang mga dating mamamayang Pilipino na naging mamamayan ng ibang bansa sa pamamagitan ng naturalisasyon ay maaaring maging mamamayang Pilipino muli.
REPUBLIC ACT NO. 9225 O CITIZENSHIP RETENTION AND REACQUISITION ACT OF 2003
Siya ay magkakaroon ng dalawang pagkamamamayan (dual citizenship).
REPUBLIC ACT NO. 9225 O CITIZENSHIP RETENTION AND REACQUISITION ACT OF 2003
URI NG PAGKAMAMAMAYAN
- Likas o Katutubo
- Naturalisado
Naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila.
JUS SANGUINIS
Naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga
magulang.
JUS SOLI
Ito ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang tinatanggap ng mga mamamayan.
NATURALISASYON