Araling Panlipunan Flashcards
ay ang pag-aaral ng hugis at mga katangian ng rabaw ng lupa, ma ging likas o artipisyal ito. Inilalarawan dito ang mga pisikal na katangian ng isang par tikular na lugar. Ito ang mga anyong lupa at anyong tubig.
Topograpiya
Nasasakupan ng lupa ang humigit-kumulang sa 30% ng rabaw Mailalarawan ang mga ito ayon sa elebasyon at relief nito.
ANYONG LUPA
Ito ay mataas na anyong lupa na hindi bababa sa 298.704 metro at may lawak na hindi kukulangin sa pitong kilometro.
Bundok
Nahahawig ito sa bundok ngunit may butas (crater) sa tuktok nito na kung saan lumalabas ang lava kapag pumuputok ito.
Bulkan
Ito ay mas mababa kaysa bundok at karaniwang pabilog ang tuktok.
Burol
Ito ay patag, mahaba, at malawak na anyong lupa. Karaniwang malusog ang lupa kaya naman pinagtataniman ito ng iba’t ibang pananim tulad ng palay, gulay, at bungang kahoy.
Kapatagan