Aralin 7.1 cutie Flashcards
Ito ay isang sistematikong pag-aaral o imbestigasyon ng isang bagay sa layuning
masagot ang mga katanungan ng mananaliksik
Pananaliksik
tanong na may kagyat na solusyon o aplikasyon ayon sa sitwasyon at suliranin
- HALIMBAWA:
- Paano patitibayin ang bubong ng bahay?
- Paano magpalit ng gulong ng sasakyan?
Praktikal na tanong
tanong na humihingi ng palagay o pagpapalagay tungkol sa isang bagay o
sitwasyon
- HALIMBAWA:
- May ikalawang buhay ba matapos mamatay ang isang tao?
- May nilalang bang nabubuhay sa ibang planeta?
Espekulatibo
tanong na sinasagot batay sa panahon o pagkakataon kung kailan ito naganap o
itinanong
- HALIMBAWA:
- Ano ang halaga ng piso kontra dolyar sa susunod na linggo?
- Saan babagsak ang saranggola kapag napigtas ang pisi nito?
Panandaliang o tentatibo
tanong na umuusisa o sumisiyasat tungkol sa isang pangyayari o sitwasyon
- HALIMBAWA:
- Ano ang motibo ng suspek para gawin ang krimen?
- Sino ang nagnakaw ng manok sa bakuran?
Imbestigatibong tanong
- tanong na umiikot sa mga paksang tinatalakay sa isang disiplina ng pag-aaral
- HALIMBAWA:
- Pamamahala: Paano mapapataas ang kita ng kompanya sa panahong may
krisis ang bansa? - Sikolohiya ng wika: Ano ang naibubulalas ng taong bugnutin?
Disiplina na tanong