ARALIN 5: Unawain Natin Likas na Batas Moral Flashcards
nagsasabi na natutuhan na natin ang lahat ng kailangan nating malaman noong tayo ay musmos pa lamang.
Robert Fulghum
sinasabi nitong ang unang layunin ng mga manggagamot ay hindi makapagdulot ng higit pang sakit.
First Do No Harm (Primum non nocere)
Ayon sa kanya, lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip. Lahat ng tao ay may kakayahang makaunawa sa kabutihan.
Sto. Tomas de Aquino
ayon sa kanya, ang pag-alam sa kabutihang ito ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng pakiramdam.
Max Scheler
Ang ________ ay likas sa tao dahil sa kanyang kalayaan.
Likas na Batas Moral
Ibigay ang mga katangian ng Likas na Batas Moral.
Obhektibo
Pangkalahatan (Unibersal)
Walang Hanggan (Eternal)
Di-nagbabago (Immutable)
Ito ay isang katangian ng Likas na Batas Moral na nagsasabing ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan.
Obhektibo
Ito ay isang katangian ng Likas na Batas Moral na nagsasabing dahil ang Likas na Batas Moral ay para sa tao, sinasaklaw nito ang lahat ng tao.
Pangkalahatan (Unibersal)
Ito ay isang katangian ng Likas na Batas Moral na nagsasabing ito ay umiiral at mananatiling iiral.
Walang Hanggan (Eternal)
Ito ay isang katangian ng Likas na Batas Moral na nagsasabing hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao.
Di-nagbabago (Immutable)
Tumutukoy sa pagpili kung ano ang mabuti batay sa panahon at sitwasyon.
Tama
Ito ay ang pagsisikap na laging kumilos tungo sa pagbubuo at pagpapalago ng ating mga sarili at ng mga ugnayan.
Mabuti
Sila ang itinuturi nating mga unang guro sa loob ng tahanan na sila ding isa sa mga dahilan ng ating pagkaunawa sa mabuti o masama.
Magulang