Aralin 4: Sektor Ng Paglilingkod Flashcards
Wage Rationalization Act
R.A 6727
Tumutukoy sa bayad sa isang manggagawa na katumbas ng isang (1) araw na sahod kahit hindi pumasok sa araw ng pista opisyal.
Artikulo 94
Holiday Pay
karagdagang bayad sa manggagawa sa loob ng walong (8) oras na trabaho sa araw ng pahinga at special days
Artikulo 91-93
Premium Pay
karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa walong (8) oras sa isang araw
Artikulo 87
Overtime Pay
karagdagang bayad sa pagtatrabaho sa gabi na hindi bababa sa sampung porsiyento (10%) ng kaniyang regular na sahod sa bawat oras na ipinagtrabaho sa pagitan ng ikasampu ng gabi at ikaanim ng umaga
Artikulo 86
Night Shift Differential
Lahat ng manggagawa sa isang establisimyento o kahalintulad nito na kumokolekta ng service charges ay may karapatan sa isang pantay o tamang bahagi sa walumpu’t limang porsiyento o bahagdan (85%) na kabuuang koleksiyon.
Artikulo 96
Service Charges
Ang bawat manggagawa na nakapaglilingkod nang hindi kukulangin sa isang (1) taon ay dapat magkaroon ng karapatan sa taunang ________ na limang (5) araw na may bayad.
Artikulo 95
Service Incentive Leave
Ang bawat nagdadalang-taong manggagawa na nagtatrabaho sa pribadong sektor,kasal man o hindi, ay makatatanggap ng maternity leave na animnapung (60) araw para sa normal na panganganak o pagkakunan; o pitumpu’t walong (78) araw para sa panganganak sa pamamagitan ng caesarian section, kasama ang mga benipisyong katumbas ng isang daang porsyento (100%) ng humigit kumulang na arawang sahod ng manggagawa na nakapaloob sa batas.
R.A. 1161 as ammended by R.A 822
Maternity Leave
maaaring magamit ng empleyadong lalaki sa unang apat (4) na araw mula ng manganak ang legal na asawa na kaniyang kapisan; Para sa layuning ito, ang “pakikipagpisan” ay tumutukoy sa obligasyon ng asawang babae at asawang lalake na magsama sa iisang bubong.
R.A. 8187
Paternity Leave
ipinagkakaloob sa sinumang solong magulang o sa indibidwal na napagiwanan ng responsibilidad ng pagiging magulang
R.A. 8972
PARENTAL LEAVE PARA SA SOLONG MAGULANG
Ang mga babaeng empleyado na biktima ng pang-aabusong pisikal, seksuwal, sikolohikal, o anumang uri ng paghihirap, kasama na rin dito ang hindi pagbibigay ng sustento, pagbabanta, pananakit, harassment, pananakot, at hindi pagbibigay ng kalayaang makisalamuha o makalabas ng tahanan mula sa kaniyang asawa, dating asawa o kasintahan ang may karapatang gumamit ng leave na ito.
Leave for Victims of Violence Against Women and their Children
RA 9262
Kahit sinong babaeng manggagawa, anoman ang edad at estadong sibil, ay may karapatan sa special leave benefit kung ang empleyadong babae ay mayroong gynecological disorder na sinertipikahan ng isang competent physician.
RA 9710
SPECIAL LEAVE PARA SA KABABAIHAN
Lahat ng empleyo ay kinakailangang magbayad sa lahat ng kanilang rank-and-file employees ng thirteenth-month pay anumang estado ng kanilang pagkakaempleyo at anoman ang paraan ng kanilang pagpapasahod.
THIRTEENTH-MONTH PAY
PD 851
Kahit sino mang manggagawa ay may karapatan sa separation pay kung siya ay nahiwalay sa trabaho sa mga dahilan na nakasaad sa Artikulo 297 at 298 ng Labor Code of the Philippines. Ang karapatan ng manggagawa sa separation pay ay nakabase sa dahilan ng kaniyang pagkakahiwalay sa paglilingkod. Maaaring mahiwalay sa trabaho ang manggagawa kung may makatwirang kadahilanan (i.e., malubha o palagiang pagpapabaya ng manggagawa sa kaniyang mga tungkulin, pandaraya, o paggawa ng krimen), at iba pang mga kahalintulad na dahilan na nakasaad sa Artikulo 296 ng Labor Code. Sa pangkalahatan, maaari lamang magkaroon ng bayad sa paghihiwalay sa trabaho kung may mga awtorisadong kadahilanan.
BAYAD SA PAGHIWALAY SA TRABAHO (Separation Pay - Artikulo 297-298)
Ang sinumang manggagawa ay maaaring iretiro sa sandaling umabot siya sa edad na animnapung (60) taon hanggang animnapu’t limang (65) taong gulang at nakapagpaglilingkod na ng hindi kukulangin sa limang (5) taon.
BAYAD SA PAGRERETIRO (Retirement Pay - Artikulo 3015