Aralin 4: Itakwil ang Anumang Anyo ng Pandaraya at Katiwalian Flashcards
ang tawag sa malikhaing akdang isinulat para gamitin sa pelikula, programang pantelebisyon, at iba pang gumagalaw na media.
Teleplay
(o ang Pilipinong termino para sa soap opera) ay isang akdang pampanitikan na ipinalalabas sa telebisyon. Nagmula ito sa dalawang salita: telebisyon at serye.
Teleserye
ay binigyang-kahulugan ng UP Diksiyonaryong Filipino bilang “dugtungan” o “mga sunod-sunod na bagay o pangyayari.””
Serye
ay nagtatanghal ng mga politikal na pagpapalagay ng isang awtor.
Dramang Politikal
ay kasalukuyang first vice president ng GMA Public Affairs. Higit sa dalawang dekada na siyang prodyuser sa telebisyon mula sa “The Probe Team” hanggang sa paggawa ng mga dokumentaryo, magazine, reality show, at drama para sa GMA Network.
Nessa Valdellon
ay isang premyadong mandudula.
Rodolfo “Rody” C. De Vera
Ang mga natagumpay ni Rodolfo
- Hall of Fame ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Screenplay) noong 2014
- Gawad Tanglaw ng Lahi
- Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas para sa Dula sa Filipino
Saligang Batas ng 1987 (Artikulo XIV Seksyon 6)
Wikang Pambansa - Filipino
ay mga programang nagdodokumento o naglalahad ng mga tunay na pangyayari sa ating lipunan sa layuning magturo, mag-ingat ng rekord ng kasaysayan, o magsiyasat at maglantad sa mga kasalukuyang isyung panlipunan.
Dokumentaryong pantelebisyon