Aralin 4: Epiko Flashcards
Ito ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing Tauhan nito
- may mga pangyayari na di Makapani-paniwala
- Epiko
Saan nagmula ang salitang “Epiko” at ano ang ibig sabihin ng salitang ito?
- Nagmula sa salitang “Epikos” sa griyego na ibig sabihin ay “salawikain o awit”
Siya ay isang Lalaking espanyol na manunulat na may nagsasabing nanggaling rito ang Epiko:
- Kur
Ano ang tawag sa mga Isinulat ni Kur? at ano naman ang ibig sabihin nito?
Tinatawag niyang “epikus”, at ang ibig sabihin nito para sa mga espanyol ay “Dakilang Likha”
Ano ang layunin ng Epiko?
- Pukawin (gisingin) ang Isipan sa pamamagitan ng napakaloob sa mga Paniniwala,kaugalian, at mithiin ng mga tauhan
Ano ang dalawang Paraan ng pagkukwento na ginagamit sa epiko?
- Inaawit
- Patula/Binibigkas na Patula
Ano ang tungkol o pinaglalarawan ng Isang Epiko?
karaniwan ito naglalarawan sa mga mahiwagang pangyayari/kabayanihang kinapalooban sa
paniniwala, kaugalian, at huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan sa isang bayan
Sa Iyong Kaalaman, Anong Epiko ang Mula sa Pangkating Iloko?
- Epikong Biag ni Lam-ang
[Buhay ni Lam-ang]
Anong mga Epiko ang Mula sa Pangkating Bicol?
- Epikong Ibalon
- Epikong Handiong
Batay sa iyong Palagay at kaalaman, Ano ang Pinagkaibahan ng Epikong Ibalon at Handiong sa Pangkating Bicol?
- Epikong Ibalon – Orihinal na sipi ng mga Bicolano
- Epikong Handiong – batay sa mga bagong pananaliksik [Likha ng mga espanyol]
Anong Epiko naman ang Mula sa Pangkating Visayas?
- Epikong Maragtas
Itong epiko ay nagmula sa pangkating Mindanao
at kilala bilang “Pinakamahabang Epiko sa Pilipinas”
- Epikong Darangan
Batay sa iyong kaalaman, anong Epiko ang Nasa Ilalim ng Pangkating Kristiyanong Epiko?
[Isa lang Siya]
- Epikong Handiong [Bicol]
Anong Epiko ang mula sa Pangkating Ifugao?
- Epikong Hudhud at Alim
Magbigay ng isang Epiko na Nasa Ilalim ng Pangkating Muslim:
[Nasa Modyul Toh]
- Epikong Bantungan
- Indarapata at Sulayman
- Parang Sabil at Silungan
Magbigay naman ng Isang Epiko na nasa Ilalim ng Pangkating Lumad:
- Epikong Hudhud at Alim [Ifugao]
- Labaw Donggon ng Hiligayon
-Hinilawod at Agyu ng Mindanao
-Kudaman ng Palawan - etc.
Batay sa Iyong Kaalaman, Ano ang mga Anda/Katangian ng Epiko:
[At Best na In-Order]
- Pag Alisan ng panguanhing Tauhan sa** Sariling Tahanan**
- Pagtataglay ng Agimat/Anting - Anting ng Pangunahing Tauhan
- Paghahanap sa minamahal
- Pakikipaglaban ng Pangunahing Tauhan
- Patuloy na Pakikidigma ng Pangunahing Tauhan
-
mamagitan ng isang bathala[diyos] para matigil ang labanan
7.Pagbubunyag ng bathala na ang naglalaban ay magkadugo
8.Pagkamatay ng Bayani
9.Pagkabuhay muli ng Bayani
10.** Pagbalik ng Bayani** sa Sariling Bayan - Pag aasawa ng Bayani
Magbigay ng isa sa mga paulit ulit na paksa/tema ng Epiko:
- Katapangan at Pakikisapalaran ng Bayani
- Supernatural na gawa ng Bayani
- Pagibig at Romansa
- Panliligaw-Pagaasawa-Pagbubuntis-mga yugto sa buhay
- **pagkamatay at pagkabuhay **
- pagkikipaglaban at kagitingan ng bayani
- kayamanan,kaharian, at iba pang Kasiyahan
- Ritwal o kaugalian
- ugnayan na magkakapamilya
Para saan Ginagamit ang Epiko?
-ginagamit sa mga ritwal/diriwang upang maitanim at mapanatili sa mga isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali, paniniwala, at tuntunin ng isa buhay nang ating mga ninuno
Ano ang mga karaniwang Katangian ng Isang Lalaking Bayani sa Epiko:
- May katangiang Pisikal, Sosyal at Supernatural [ halimbawa: Matipuno at malakas, Isang Pinuno at tagapagtanggol, May mahiwagang Kapangyarihan]
- may Intelekwal at moral na katangian [halimbawa: Matalino at Marunong, Pagpapakumbaba]