ARALIN 4 Flashcards
Mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman,produkto, at serbisyo
Alokasyon
Paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan
Alokasyon
4 pangunahing katanungang pang-ekonomiko.
Ano-anong produkto at sebisyo ang gagawin?
Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
Gaano karami sng gagawing produkto st serbisyo?
Tumotukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.
Sistemang Pang-ekonomiya
Alokasyon sa iba’t ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Tradisyunal na Ekonomiya
Market Economy
Command Economy
Mixed Economy
Kagustuhan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala
Tradisyunal na Ekonomiya
Kagustuhan ng pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan
Market Economy
Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensya (central planning agencies).
Command Economy
Sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy. Kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Nilikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may mga katangian na bunga ng pagsasanib og kombinasyon ng command at market economy.
Mixed Economy