Aralin 3-4 Flashcards
Ito ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita
Pagbasa
ama ng pagbasa
William S. Gray (1950)
Apat na hakbang ng Pagbasa
- Persepsyon
- Komprehensyon
- Reaksyon
- Integrasyon
Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.
Persepsyon
Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
Komprehensyon
Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto.
Reaksyon
Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa tunay na buhay.
Integrasyon
Teorya tungkol sa Pagbasa
- Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)
- Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up)
- Teoryang Interaktibo
- Teoryang Iskema (Schema)
Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa mayroon nang dating kaalaman at karanasan
Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)
Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pagunawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng teksto.
Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)
Ito ay salungat sa teoryang top-down
Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up)
Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag◻unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang simbolo.
Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up)
Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o tabula raza.
Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom – Up)
Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng komprehensyon ay may
dalawang direksyon
Teoryang Interaktibo
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya.Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa
Teoryang Iskema (Schema)
Kaisipan o mensaheng ipinahahatid ng awtor sa mga mambabasa.
Konsepto
May mga salita o terminolohiya na nagiging hadlang sa pagunawa ng mambabasa sa teksto.
Talasalitaan
Talasalitaan
• Idyoma o Matalinghagang Salita
• Salitang May Naililipat na Kahulugan
• Salitang Maraming Kahulugan
• Salitang Teknikal
• Salitang Kasingkahulugan o Kasulungat
• Ironiya o Kabanlintunaan
mga salitang ang kahulugan ay hindi makukuha sa pag-unawa sa kahulugan
ng bawat salitang bumubuo dito
Idyoma o Matalinghagang Salita
makikita ang mga salitang ito sa mga metapora o pagwawangis.
Salitang May Naililipat na Kahulugan
ang isang payak na salita ay maaring magkaroon ng iba’t ibang kahulugan ayon sa paraan ng paggamit ng awtor at ng disiplinang pinaggagamitan nito.
Salitang Maraming Kahulugan
may mga tiyak na salita o termonolohiya na ginagamit sa bawat disiplina tulad ng pagsasaka, edukasyon, atbp.
Salitang Teknikal
ang isang awtor ay gumagamit ng mga kasingkahulugan o kasalungat na salita ayon sa kanyang layunin o nais iparating.
Salitang Kasingkahulugan o Kasulungat
paggamit ng mga tulang ang karaniwang kahulugan na kabaligtaran sa nais ipahayag.
Ironiya o Kabanlintunaan
Ang mahahaba at maliligoy na pangungusap ay nagiging hadlang sa mabilis na pag-unawa ng mambabasa sa nilalaman ng teksto.
Istruktura ng Pangungusap
Ito ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Maikling Kwento
Elemento ng Maikling Kwento
- Tauhan
- Tagpuan
- Banghay
- Tunggalian
- Magagandang Kaisipan o pahayag
- Simula at Wakas
Nagpagalaw at nagbigay buhay sa kwento
Tauhan
Lugar at panahon ng mga pinangyarihan.
Tagpuan
Pagkakasunud sund ng mga pangyayarisa kwento
Banghay
Tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban sa kapaligiran o kalikasan
Tunggalian
Mga pahayag na nagbibigay mensahe o aral sa mga mambabasa.
Magagandang Kaisipan o pahayag
Paraan ng mga manunulat kung paano sinimulan at winakasan ang kwento.
Simula at Wakas
Paraan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento
- Suriin ang kwento ayon sa Uri
- Suriin ito ayon sa paksang nakapaloob dito.
- Suriin ito ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan at banghay.
- Suriin ito ayon sa taglay na bias
- Suriin ito ayon sa kaugnayan nito sa kamalayang panlipunan
- Gamitan ng teorya sa pagsusuri Balangkas ng Maikling Kwento
Suriin ang kwento ayon sa Uri
a. Kwento ng tauhan
b. Kwento ng katutubong kulay
c. Kwentong bayan
d. Kwento ng Kababalaghan
e. Kwento ng Katatakutan
f. Kwentong sikolohiko
g. Kwento ng Pakikipagsapalaran
h. Kwento ng Katatawanan
i. Kwento ng Pag ibig
Inilalarawan ang mga pangyayaring pagkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag unawa sa kanila ng isang mambabasa.
Kwento ng tauhan
Binigyan diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
Kwento ng katutubong kulay
Nilalahad ang mga kwentong pinag uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan
Kwentong bayan
Pinag uusapan ang mga salaysay ng hindi kapani paniwala
Kwento ng Kababalaghan
Naglalaman ng mga pangyayaring kasindak sindak
Kwento ng Katatakutan
Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwento na bihirang isulat dahil may kahirapan ng paglalarawan ng kaisipan.
Kwentong sikolohiko
Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento
Kwento ng Pakikipagsapalaran
Nagbigay aliw at nagpapasaya sa mga mambabasa
Kwento ng Katatawanan
Tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao
Kwento ng Pag ibig
Uri ng Bisang Taglay sa Maikling Kwento
a. Bisang Pandamdamin
b. Bisang Pangkaisipan
c. Bisang Pangkaasalan
Tumutukoy ito sa nagging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda.
Bisang Pandamdamin
Tungkol naman ito sa pagbabago sa kaisipan dahil sa natutunan sa mga pangyayaring naganap sa binasa.
Bisang Pangkaisipan
May kaugnayan ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos
mabasa.
Bisang Pangkaasalan
Gamitan ng teorya sa pagsusuri Balangkas ng Maikling Kwento
I. Uri ng kwento
II. Pamagat
III. Nilalaman
IV. Taglay na Bisa
V. Kamalayang Panlipunan
VI. Teorya
Alamin kung anong uri ng maikling kwento ito napabilang
Uri ng kwento
Dito nakasaad ang pinapaksa ng kwento.
Pamagat
Nilalaman
A. Tauhan
B. Tagpuan
C. Galaw ng Pangyayari o Banghay
Galaw ng Pangyayari o Banghay
- Pangunahing pangyayari
- Pasidhi o pataas na pangyayari
- Karurukan o kasukdulan
- Kadalasan o pababang aksyon
- Wakas
Ito ay isang uri ng sulatin o komposisyon na naglalayong maibahagi ang saloobin ng nagsulat nito.
Sanaysay
Dalawang Uri ng Sanaysay
- Pormal na Sanaysay
- Di Pormal na Sanaysay
may maayos na pagkakasunod sunod at gumamit ito ng mga salitang akma sa paksa. Ito ay batay sa pananaliksik at pag aaral. May seryoso o pormal na tono ito ukol sa paksa nito.
Pormal na Sanaysay
Ito ay batay sa mga opinyon at pananaw ng nagsulat nito. Ito ay maaaring galing sa karanasan o obserbasyon ng may akda
Di Pormal na Sanaysay
Mga Elemento ng Sanaysay
- Tema
- Anyo at Istruktura
- Kaisipan
- Wika at Estilo
- Larawan ng Buhay
- Damdamin
- Himig
Ito ay tumutukoy sa paksang tinalakay sa isang sanaysay. Dito iikot ang mga kaalaman o kuro kuro sa ibabahagi ng may akda.
Tema
Ito ang maayos na pagkakasunod sunod ng ideya na lubos na makatulong sa pagkaunawa ng mga mambabasa
Anyo at Istruktura
Mga ideyang nababanggit sa isang sanaysay na marapat na maiuugnay sa tema at nagbibigay linaw sa nilalaman ng sanaysay
Kaisipan
Ito ang uri at antas ng wikang ginagamit sa isang sanaysay na nakakaapekto sa pang unawa ng mga mambabasa.
Wika at Estilo
Nailalarawan ang buhay sa isang makatotohanang at masining na pagpapahayag ng may akda
Larawan ng Buhay
Kinakailangang naipahayag ng isang mahusay na may akda ang kanyang damdamin na may kaangkupan at kawastuhan.
Damdamin
Ito ay tumutukoy sa kulay o kalikasan ng damdamin sa sanaysay kung ito ba ay nagpapahiwatig ng himig na malungkot, masaya, galit at iba pa.
Himig
Mga Bahagi ng Sanaysay
- Panimula
- Gitna o Katawan
- Wakas
Ito ang pinakamahalaga dahil kinukuha nito ang atensyon ng mga mambabasa. Dito nagbibigay ng ideya ang may akda
tungkol sa paksa ng sanaysay.
Panimula
Dito sinasalaysay ang mga mahahalagang ideya tungkol sa paksa. Dito nagbibigay ng paliwanag o halimbawa ang may akda.
Gitna o Katawan
Ito ang huling bahagi ng sanaysay na nagbibigay ng hamon ukol sa paksa ang may akda sa kanyang mambabasa. Ito ay para maisakatuparan ng mga nabanggit na puntos sa katawan ng
sanaysay.
Wakas
Bahagi ng Balangkas sa Pagsusuri ng Sanaysay
I. Paksa
II. Tema
III. Panimula
IV. Nilalaman
V. Konklusyon
Tumutukoy ito sa ideyang tinatalakay sa isang sanaysay. Maari itong umiikot sa mga napapanahong kaisipan o isyu
Paksa
Tumutukoy ito sa pangkalahatang ideyang pinalulutang sa sanaysay
Tema
Tumutukoy sa pamukaw na bahagi ng sanaysay
Panimula
Tumutukoy ito sa pinakamahalagang bahagi ng sanaysay.
Nilalaman
Tumutukoy ito sa pagbubuod o paglalagom ng ideya
Konklusyon