Aralin 2: Mga Tauhan ng El Filibusterismo Flashcards
Mayamang mag-aalahas na umano’y tagapayo ng Kapitan Heneral, pero sa totoo’y nagbalik para bawiin ang kasintahan at maghiganti sa kanyang mga kaaway
Simoun
Isang Espanyol na naging importanteng tagalutas ng mga suliraning panlipunan ngunit ipinapasa sa iba ang paglutas ng suliranin dahil wala siyang pinapanigan
Don Custodio
Nag-aaral ng medisina. Mabait na estudyante, matapat sa kapwa sa kabila ng sinapit na kasawiang- palad ng kanyang ina at kapatid. Kasintahan ni Juli.
Basilio
Abogado na hingian ng payo ng lahat ng tanyag sa Maynila
Ginoong Pasta
Pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni Paulita Gomez. Isang estudyante na may mataas na paninindigan at sumusuporta sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila
Isagani
Dalagang labis na mapagmahal kaya gumawa ng paraan upang matubos sa mga tulisan ang amang si Kabesang Tales at mailigtas sa bilangguan ang kasintahang si Basilio
Juli
Apo ni Tandang Selo na naging guwardiya sibil. Nabaril ang kanyang lolo dahil napagkamalan niya itong tulisan
Carolino/Tano
Paring simbolo ng liberal na kaisipan
Padre Fernandez
Kurang Indio na nakatira sa isang malayong lugar, marunong, palatanggap sa mga nangangailangan, amain ni Isagani
Padre Florentino
Anak ni Tandang Selo. Tatay nina Juli at Tano. Nahirang na maging cabeza ng kanilang lugar. Naging biktima ng pangangamkam ng lupa ng korporasyon at kalauna’y naging tulisan
Kabesang Tales/Matanglawin/Telesforo Juan De Dios
Lolo ni Juli at Tano, napipi dahil sa labis na dalamhating dinanas ng kanyang pamilya
Tata Selo
Probinsyanong estudyante na ayaw nang mag-aral dahil sa bulok na sistema ng pagtuturo
Placido Penitente
Peryodistang mapagpuri sa matataas na opisyal at kilalang tao sa lipunan, isinasakripisyo ang katotohanan upang maiangat ang kanyang
reputasyon. Manunulat na ipinapalagay na siya lamang ang tanging nag-iisip
Ben Zayb
Pinakamataas na pinuno ng pamahalaan. Kunwa’y ginagawa ang lahat sa kapakanan ng mga Pilipino, ngunit sa totoo’y kapakanan ng mga Espanyol ang mahalaga sa kaniya
Kapitan Heneral
Pangalawa sa may pinakamataas na posisyon sa pamahalaan. Isang Kastila na may makatarungang pagtingin sa lahat. Nagbitiw siya sa pwesto dahil sa hindi magandang pamamalakad ng Espanya sa Pilipinas
Mataas na Kawani
Isang nagmamarunong na anak-mayaman at dahil ayaw makisangkot sa mga kilusang pang-estudyante, napili ni Paulita Gomez na pakasalan
Juanito Pelaez
Mayamang estudyante na tumutulong sa petisyong makapagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila
Makaraig
Sumusuporta sa pagkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila
Sandoval
Isang mag-aaral na bagaman ay sumusuporta sa pagpapatayo ng Akademya ay natutuwa kapag walang pasok
Tadeo
Tutol sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila
Padre Salvi
Nagkukunwaring panig sa mga estudyante ngunit nakikiayon lamang sa pasya ng pamahalaan (Two-faced)
Padre Irene
Siya ay isang kurang labis ang pagkahilig sa magagandang babae
Padre Camorra
Mangangalakal na Tsino na mapagregalo at mapagsuhol sa mga pinuno ng pamahalaan
Quiroga
Pamangkin ni Donya Victorina at kasintahan ni Isagani ngunit naipakasal kay Juanito Pelaez
Paulita Gomez
Ang mananayaw na sinasabing matalik na kaibigan daw ni Don Custodio. Siya rin ang hinilingan ng mga mag-aaral na kumumbinsi kay Don Custodio para suportahan nito ang paaralang nais nila
Pepay
Kumupkop kay Basilio; ama- amahan ni Maria Clara; mayaman; namatay ngunit nagkaroon ng magarang burol at libing
Kapitan Tiago
Humimok kay Juli upang humingi ng tulong kay Padre Camorra na mapalaya ang kasintahang si Basilio
Hermana Bali
Ang mayaman at madasaling babae na pinaglingkuran ni Juli noong mga panahon na kailangan niya ng pandagdag na salapi para may maipantubos sa ama na binihag ng mga tulisan
Hermana Penchang
Ang misteryosong Amerikanong ventriloquist na nagtanghal sa perya
Mr Leeds
“Naglagalag ako at nagsikap makaipon ng maraming salapi upang maisagawa ang aking layon. Nagbalik upang ibagsak ang masamang pamahalaan, padaliin ang kanyang pagkasira kahit na dumanak ng maraming dugo!”
Simoun
“Upang mapaamo ang mga Pilipino, kailangan ulit-ulitin sa kanila araw-araw na sila ay walang kakayahan.”
Don Custodio
“Ah, mabuti pang ipaubaya na ninyo sa kamay ng pamahalaan ang usapin na iyan. Maghintay kayo.”
Ginoong Pasta
“Ang hangarin ko lamang ay gamutin ang sakit ng aking mga kababayan.”
Basilio
“Malalaman din niyang pinili ko pang ako ang masanla kaysa masanla ang agnos na ibinigay niya sa akin.”
Juli
“Sila’y mga tao rin na katulad natin”
Carolino/Tano
“Ngunit, tulad po ng ibang tao, nagkakamali rin kaya hindi dapat maging bingi sa kuro-kuro ng iba”
Isagani
“Ang karunungan ay ipinagkakaloob lamang sa karapat-dapat at hindi sa mga taong marumi ang kalooban at walang mabuting asal.”
Padre Fernandez
“Tanging kabutihan ang makapagliligtas. Ang kaligtasan ay nangangahulugang kabutihan. Ang kabutihan ay pagpapakasakit. At ang pagpapakasakit ay pag-ibig.”
Padre Florentino
“Sa alikabok tayo babalik Tatang at wala tayong saplot noong tayo ay isilang!”
Kabesang Tales/Matanglawin/Telesforo Juan De Dios
“Tiisin mo na. Ipagpalagay mo na lang ang 30 pisong iyon ay natalo sa sugal o kaya’y nahulog sa tubig at sinakmal ng buwaya.”
Tata Selo
“Ipagpaumanhin mo, ngunit hindi ako makalalagda sa anumang hindi ko naiintindihan.”
Placido Penitente
“Maaari ko bang isulat ang tungkol sa bagay na iyan?”
Ben Zayb
“Ano ba ng dapat kong ikatakot? Kaya ba ng isang alila na ako’y ipagsakdal? Walang kabuluhan sa akin ang palagay ng ibang tao.”
Kapitan Heneral
“Iibigin ko pa ang mamatay sa pagtatanggol sa karapatan ng sangkatauhan kaysa magtagumpay sa piling ng mga naghahangad ng kagalingan lamang ng isang bansa, maging ang bansang iyan ay Espanya.”
Mataas na Kawani