Aralin 2: Ang Katuturan, Kahalagahan, at Katangian ng Mapanuring Pagbasa Flashcards
Sa mapanuring pagbasa, ang mambabasa ay sumusuri, nagtatasa, at nagbibigaykahulugan ng tekstong binabasa, kakaiba ito sa karaniwang pagbasa na pang impormasyon lamang.
Ang Mapanuring Pagbasa
Ano ang mga Kahalagahan ng Mapanuring Pagbasa
- Natutukoy ang argumento at nasusuri ang mga ebidensya ng teksto
- Napapanday ang isip
- Naiuugnay ang binasa sa sariling buhay at sa lipunan
- Nailalapat ang pagiging kritikal sa ibang konteksto
Katangian ng Mapanuring Pagbasa
- Sumusuri
- Nagtatasa
- Bumubuo ng kahulugan
- Binubuo ang pangunahing ideya o argumento ng teksto
- Sinusuri kung paano isinusulong ng teksto ang argumento
- Tinatasa ang kalakasan at kahinaan ng teksto
sa pamamagitan ng mapanuring pagbasa, mahahasa ang kakayahan na hindi lamang tukuyin ang maliit na detalye sa isang teksto kundi ang kabuuan nito
natutukoy ang argumento at nasusuri ang mga ebidensya ng teksto
sa mapanuring pagbasa, mahalaga ang pag-unawa sa tekstong binabasa, pagtukoy sa mahihirap na salita at detalye, pagsusuri sa datos at pagbibigay ng kredibilidad sa pinagkunan, pagbuo ng mga tanong.
Napapanday ang isip para mas mahigpit na makipag-ugnayan sa teksto.
Ang pagbasa ay nauugnay sa personal at panlipunang karanasan sa pamamagitan ng paghahanap ng koneksiyon sa teksto at sa dating nabasa
Naiuugnay ang binasa sa sariling buhay at sa lipunan
Ang pagiging mapanuri ay mahalaga sa iba’t-ibang sitwasyon tulad ng pag-aaral, panonood ng pelikula, pakikinig sa talumpati, at pagbabasa ng social media posts
Nailalapat ang pagiging kritikal sa ibang konteksto