Aralin 12 Flashcards
Dalawang uri ng sanaysay
Pormal at Di Pormal
Naghahatid ito ng mahalagang kaalaman o impormasyon, kaisipang makaagham at lohikal na pagkakasunod- sunod ng mga ideya
Pormal na Sanaysay
Nagbibigay ng kasiyahan sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwan at pang araw- araw na paksa
Impormal na Sanaysay
Karaniwang naglalagay ng pang akit atensyon ang nagsusulat ng sanaysay. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa at sa bahaging ito makakapag isip ang mambabasa kung magpapatuloy pa sa pagbasa
Simula
Dito naman nakalagay ang malaking bahagi ng nilalaman ng sanaysay. Nakasaad din ang mga mahalagang impormasyon o ideya ng may akda tungkol sa paksa
Katawan o Gitna
Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa.
Wakas
Sa bahaging ito ipinapahayag ng may akda ang layunin ng kanyang pagsulat ng sanaysay
Tema / Paksa ( elemento )
Mahalagang sangkap sapagkat nakakaapekto ito sa pagunawa ng mambabasa, ang maayod na pagkasunod- sunod ng ideya o pangyayari ay makakatulong sa mambabasa
Anyo at Istruktura ( elemento )
Higit na nagpapayaman sa kaisipan ng mga mambabasa kung kayat higit na mas mabuting gumamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag
Wika at Istilo
Mga ideyang nagpapalinaw sa tema. Nailalarawan ang buhay sa isanf makatotohanang salaysay. May masining na paglalahad na ginagamitan ng sarilng himid ng may akda
Kaisipan
Naipahahayag ng isang magaling na may akda ang kanyang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan
Damdamin