ARALIN 11: Imperyalismo 2.0: Industriyalisadong Imperyalismo Flashcards
dito nagsimula ang Rebolusyong Industriyal
Great Britain
yugto sa kasaysayan ng China kung saan nahati ito sa spheres of influence
Siglo ng Kahihiyan
pag-uunahan ng mga Europeong imperyalista sa pananakop sa Africa
Scramble for Africa
rehiyon kung saan may ekslusibong karapatang ekonomiko ang isang dayuhang bansa
Sphere of Influence
ginamit ng mga Europeo upang pasukin ang mga ilog sa loob ng Africa
Steamboat
tuwirang pagsakop sa isang lugar bilang bahagi ng imperyo
Kolonyalismo
paniniwala na may nakatataas na lahing superiyor ang mga katangian
Social Darwinism
mga digmaang bunsod ng pagbebenta ng mga British ng narkotiko sa China
Opium Wars
panahon ng pagpapanumbalik ng kapangyarihan sa emperador ng Japan
Meiji Restoration
sandatang nagpalaki ng lamang ng puwersang militar ng mga Kanluranin
Maxim Machine Gun
gamot na nagpahupa sa mga sintomas ng malaria
Quinine
pagsasailalim ng isang banyaga sa batas ng kanyang bansang pinagmulan
Extraterritoriality
proseso ng pagtatatag at paglaki ng mga lungsod
Urbanisasyon
ito ang pagpupulong ng mga imperyalistang bansa upang itakda ang mga panuntunan sa hatian ng Africa
Komperensiya sa Berlin
ito ang nakalululong na narkotiko na ibinenta ng mga Europeo sa mga Chinese upang mabaligtad ang balanse ng kanilang kalakalan sa China.
Opyo
ito ang pagsasara ng Japan sa dayuhang impluwensiya
Sokoku
ito ay ang pagbabakod ng mga lupaing dating bukas sa lahat upang gawaing pribadong pagmamay-ari
Enclosure Movement
ito ang taguri sa Africa dahil kaunti ang kaalaman ng mga Kanluranin sa interiyor nito.
Dark Continent
siya nagpasimula ng pag-uunahan ng mga Europeo sa pagkuha ng teritoryo sa Africa.
Haring Leopold II
ito ang tawag sa pinunong militar ng Japan
Shogun
ito ang pamagat ng tula ni Rudyard Kipling na sumasalamin sa kaisipan ng Social Darwinism.
White Man’s Burden
nagdala siya ng mga barkong pandirigma sa Japan upang puwersahin itong magbukas sa pakikipagkalakalan.
Commodore Matthew Perry
ito ang pinakamadugong digmaang sibil sa kasaysayan
Rebelyong Taiping
tumutukoy ito sa panahon ng transpormasyon ng paraan ng produksiyon mula sa gawang-kamay patungo sa gawang-makina.
Rebolusyong Industriyal
tumutukoy ito sa panahon ng transpormasyon ng pagsasaka sa pamamagitan ng crop rotation, selektibong pagpaparami ng hayop, mas magaang araro, at mga binhing may mas mataas na ani.
Rebolusyong Agrikultural
ito ay ang di tuwirang pamamahala ng imperyalistang bansa sa pamamagitan ng paggamit ng mga tau- tauhang katutubong pinuno.
Protektorado
ito ay ang pagbibigay ng mga natatanging pribilehiyo ng isang di maunlad na bansa sa isang imperyalistang bansa na magsagawa ng ekonomikong aktibidad.
Concession
ito ang ginamit ng pamahalaang Meiji upang pag-isahin ang mga Japanese sa pamamagitan ng katapatan sa bansa at sa kanilang emperador.
Edukasyon