Aralin 10 - Sinaunang Kanlurang Asya Flashcards
Pinuno ng Myanmar (kasalukuyan)
Aung San Suu Kyi
Biglaang pagpapatapon sa isang politiko o maliit na grupo. Nakailalim ang bansa sa kapangyarihan ng mga militar.
Coup D’etat
Mula Sumerian hanggang Imperyong Achaemenid o Persian
Sinaunang Panahon
Saksi sa paglaganap ng Kulturang Helenistiko sa pangunguna ng hari ng Macedonia na si Alexander
Panahong Klasikal
Panahon ng paglaganap ng kapangyarihang Islamiko sa Kanlurang Asya, Africa, Europa, at Gitnang Asya; pagbagsak ng Imperyong Ottoman sa mga kanluranin.
Panahong Islamiko
Lupain sa pagitan ng dalawang ilog (Tigris at Euphrates)
Mesopotamia
Mesopotamia sa kasalukuyan
Iraq
estrukturang nagsisilbing tahanan at templo ng patron
Ziggurat
nakatira sa ziggurat; paring-hari
Patesi
Lugar kung saan isinasagawa ng patesi ang ritwal ng pag-aalay sa mga diyos.
Tuktok ng Ziggurat
Kauna-unahang epiko ng daigdig
Epiko ni Gilgamesh
Hari ng Uruk
Gilgamesh
Kaibigan ni Gilgamesh
Enkidu
Sistema ng panulat ng Kabihasnang Sumer
Cuneiform
(kabihasnang Sumer) tagasulat, iniuukit sa isang basang clay tablet
Scribe
panulat ng kabihasnang Sumer
Stylus
unang pamalit na kalakal
Cacao
Pagbilang ng nakabatay sa 60
Sexagesimal
Rason ng pagbagsak ng Kabihasnang Sumer
Sinakop sila ng mga Akkadian sa ilalim ng pamumuno ni Haring Sargon
Unang hari ng daigdig
Haring Sargon I
Sistema ng pagbubuwis at pakikipagkalakalan
Imperyong Akkadian
Rason ng pagbagsak ng Imperyong Akkadian
Bumagsak dahil sa paghalili ng mahihinang pinuno at paglakas ng ilang kaharian.
koleksyon ng 282 batas
Kodigo ni Hammurabi
“Mata sa mata, ngipin sa ngipin”
Lex Taliones
Ang Lex Taliones ay maikakategorya bilang ___________ _______ o paggawad ng katarungan batay sa bigat ng kasalanan
retributive justice
Nakapagpaunlad sila ng kalendaryong may 354 na araw, hinati ang isang araw sa 12 oras at pinasimulan ang pagbibilang na batay sa 60
Imperyong Babylonian
Rason ng pagbagsak ng Imperyong Babylonian
Matapos ang pagkamatay ni Hammurabi, umatake ang iba’t-ibang grupo ng Indo Europe
pangunahing diyos ng mga Assyrian
Ashur
nagpagawa ng unang silid aklatan sa daigdig
Ashurbanipal
Rason ng pagbagsak ng Imperyong Assyrian
Bumagsak dahil sa pag-aalsa laban sa mataas na pagbubuwis at pananalakay ng mga Chaldean mula sa Babylon kasama ang mga Medes mula sa Persia.
Ang Imperyong Neo-Babylonian
Imperyong Chaldean
ibalik ang katanyagan ng Imperyong Babylonian
Nabopolassar
pinakadakilang hari ng imperyo. Pinalawak ang teritoryo mula Chaldean hanggang Israel at Lebanon.
Nebuchadnezzar
Pinatayo ni Nebuchadnezzar ang Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawang si ______
Amytis
pinalikas ang mga Hudyo papuntang Babylonia upang gawing alipin
Jerusalem
Rason ng pagbagsak ng Imperyong Chaldean
Bumagsak dahil sa pananalakay ng mga Persian mula sa Imperyong Achaemenid.
pundasyon ng Judaism at Kristiyanismo
Banal na Bibliya
kauna-unahang monoteistikong relihiyon sa daigdig
Judaism
Sumasamba kay Yahweh
Hebreo
pinagmulan ng kasaysayan ng mga Hebreo
Abraham
Syria at Damascus
Aramean
Iniugat ng mga Aramean ang kanilang angkan kay ____, anak ni Shem, na anak ni Noah
Aram
ginamit ng ilan sa mga sumulat ng bibliya at pinaniniwalaang siya mismong wikang ginamit ni Hesukristo
Aramaic
Rason ng pagbagsak ng mga Aramean
Nagwakas dahil sa pagsalakay ng ibang pangkat
Unang nakatuklas sa pagmimina ng bakal at unang nakaimbento at gumamit ng chariot sa pakikidigma at paggawa ng iba’t ibang kagamitang bakal
Imperyong Hittite
kabisera ng K. Hittites at tumagal ng 450 taon
Hattusas
Rason ng pagbagsak ng Imperyong Hittite
Bumagsak sa pagsalakay mula sa Hilagang bahagi ng Asia Minor at pagkakaroon ng tag tuyot.
kabisera ng mga Lydian
Sardis
Unang gumamit ng barya sa kalakalan
Lydian
Rason ng pagbagsak ng mga Lydian
Nagwakas ang pamamayagpag ng Kaharian ng Lydian nang sakupan ito ng Imperyong Persian
kulay na purple red dye mula sa shell ng suso
Murex
nakaimbento ng Murex
“Lupain ng Lila” (Phoenician)
Phoenician sa kasalukuyan
Lebanon
“Tagapagdala ng Sibilisasyon”
Phoenician
pagtatala ng mga kalakal (ng mga Phoenician)
Alpabetong Phoenician
Rason ng pagbagsak ng mga Phoenician
Humina hanggang sakupin ng mga Assyrian.
kasalan sa loob ng palasyo
Court of Etiquette
Itinatag ni Cyrus the Great at nagtagumpay sakupin ang Mesopotamia at Babylon
Imperyong Achaemenid
lalawigan (Imperyong Achaemenid)
Satrapy
gobernadora (Imperyong Achaemenid)
Satrap
Nagnais na masakop ang buong daigdig
Alexander the Great
Pinaniwala ni Olympias na si Alexander the Great ay anak ng diyos na si ____
Zeus
Pinamunuan ng apat na caliph
Orthodox Caliphate
Sino-sino ang apat na caliph
Abu Bakr, Umar, Uthman, Ali
2 Pangunahing Sekta ng Islam
Shia/Shiite at Sunnite
Mga muslim na naniniwalang tanging si Ali lamang ang maaaring tanggaping lehitimong caliph
Shia/Shiite
Mga muslim na naniniwalang ang unang tatlong caliph ang maaaring humalili kay Muhammaad
Sunnite
nakaagaw sa kapangyarihan ng caliphate sa pagkamatay ni Ali, kaya’t mahigpit itong tinutulan ng mga Shiite
Muawiyah
kabisera ng Imperyong Umayyad
Damascus
Rason ng pagkabagsak ng Imperyong Umayyad
Bumagsak dahil sa pag-aalsa ng ilan sa mga teritoryo nito.
Sino ang nagtatag ng Imperyong Abbasid?
Abbas Ibn Abd al-Muttalib
Kabisera ng Imperyong Abbasid
Baghdad
Rason ng pagkabagsak ng Imperyong Abbasid
Bumagsak dahil sa pananalakay ng mga Seljuk Turk.
suportado ng mga Qizilbash/Kizilbash (miyembero ng 7 Turkmen tribes)
Imperyong Safavid
Nakabase sa Constantinople (Istanbul, Turkey), lumakas ang kanilang pwersa sa pagkamatay ni Genghis Khan ng Imperyong Mongol
Imperyong Ottoman