Aralin 1: Kaligirang Pangkasaysayan ng Florante at Laura Flashcards
Ano ang ipinalayaw kay Balagtas?
Kiko
Sino ang pangalawang dalagang bumihag sa puso ni Balagtas na pinag-alayan niya ng Florante at Laura?
Maria “Selya” Asuncion Rivera
Siya ang taong hiningian ng tulong ni Francisco Balagtas upang ayusin ang kaniyang tula na isa sa kaniyang mga kasamahan na mahusay rin sa pagtula.
Jose Dela Cruz
Sino ang unang dalagang bumihag sa puso ni Balagtas?
Magdalena Ana Ramos
Kailan isinilang si Francisco Balagtas?
ika-2 ng Abril, 1788
Sa pangalawang pagkakataon ng kaniyang pagkakakulong ano ang parusang pinaratang sa kaniya?
Namutol ng isang buhok ng isang utusan.
Ang babaeng pinakasalan ni Balagtas kahit tutol ang mga magulang nito dahil sa agwat ng kanilang edad.
Juana Tiambeng
Butihing ama ni Florante at tagapayo ni Haring Linceo?
Duke Briseo
Ano-ano ang apat na himagsik na naghari sa puso ni Balagtas ng isulat niya ang Florante at Laura
- Ang himagsik laban sa malupit na pamahalaan.
- Ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya.
- Ang himagsik laban sa mga maling kaugalian.
- Ang himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.
Si Balagtas ay binawian ng buhay sa edad na?
74
Ito ang naging inspirasyon ni Jose Rizal upang maisulat ang Noli Me Tangere?
Florante at Laura
Ama ni Laura at hari ng Albanya.
Haring Linceo
Mabuting kaibigan ni Florante at naging kaklase niya sa Atenas.
Menandro
Ang mabutihing guro ni Florante, Adolfo, at Menandro habang sila’y nag-aaral sa Atenas.
Atenor
Ama ni Adolfo na taga-Albanya.
Konde Sileno