Aralin 1 - Aralin 3 Flashcards
Tawag sa anyo ng panitikan na naratibong nagsasalaysay ng tungkol sa pangyayaring sangkot ang isa o higit pang mga tauhan.
Maikling Kuwento
Isang Aleman na mandudula at nobelista na nagpakilala ng isang piramide.
Gustav Freytag
Ano-ano ang pagkakasunod ng mga pangyayari sa isang maikling kuwento?
Eksposisyon, Pasidhing Pangyayari, Kasukdulan, Kakalasan, Wakas. (EkPaKaKaWa)
Nagsulat ng “Ang Bahay na yari sa Teak”.
Mochtar Lubis
Saan galing ang pangalang Dyakarta?
Sunda Kelapa at Batavia
Ano ang iba pang tawag sa Jakarta?
The Big Durian
Isa sa mga pinakakinikilalang manunulat sa Indonesia.
Mochtar Lubis
Hudyat ng panimulang pangyayari sa kuwento at pagpapakilala sa mga tauhan.
Eksposisyon
Naglalantad ng suliranin ng naratibo.
Pasidhing Pangyayari
Pinakainteresanteng ganap sa tauhan ng isang akda.
Kasukdulan
Nagsisimula namang malutas ang suliranin sa __________.
Kakalasan
Naglalahad ng pagtatagumpay o pagkabigo ng pangunahing karakter nito.
Wakas
Sino ang nagsalin sa kuwentong “Ang Bahay na Yari sa Teak”?
B.S. Medina Jr.
Pangunahing layunin nito ang palayain ang mga manggagawa mula sa tanikala ng pang-aapi dulot ng sobrang pag-aari ng kapital sa produksiyon ng mga naghaharing uri sa lipunan.
panunuring Marxismo
Pinakamahalagang sangkap ng komunikasyon.
Wika
Sino ang nagsabi na ang wika ay isang sistema ng mga sagisag?
Emmert at Donaghy
Sino ang nagsabi na ang wika ay isang makatao’t likas na pamamaraan ng pagbabahagi ng mga kaisipan, damdamin, at mithiin?
Edward Sapir
Sino ang nagsabi na matatagpuan sa wika ang mga simbolo?
Lachica
Siya naman ang nagsabi na ang wika ay ang pangunahin at pinakatiyak na anyo ng simbolikong gawaing pantao.
Archibald Hill
Baryasyon ng wika na iniluluwal, halimbawa, sa rehiyong kinabibilangan ng isang indibidwal.
Diyalekto
Isang paraan ng pangangalap ng datos para sa pananaliksik.
Sarbey
Ano ang ibig sabihin ng GABRIELA?
General Assembly Binding women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, Action
Tawag sa serye ng mga pangyayaring bumubuo ng isang mahabang prosa.
Nobela
Sino ang nagsulat ng La Loba Negra?
Padre Jose Burgos