ARALIN 1-8 Flashcards
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Henry Gleason (mula sa Austero et al. 1999)
Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal.
Bernales et al. (2002)
May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Mangahis et al. (2005)
Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
Pamela C. Constantino at Galileo S. Zafra (2000)
Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan natin.
Bienvenido Lumbera (2007)
Wika ang sumasalamin sa mga mithiin, lunggati, pangarap, damdamin, kaisipan o saloobin, pilosopiya, kaalaman at karunungan, moralidad, paniniwala, at mga kaugalian ng tao sa lipunan.
Alfonso O. Santiago (2003)
Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.
UP Diksiyonaryong Filipino (2001)
Ang _____ ay kabuuan ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita at ng mga simbolong isinusulat.
wika
ang sitwasyong pangwika sa Pilipinas dahil maraming wikang umiiral dito at may mga diyalekto o varayti ang mga wikang ito.
Heterogenous
ang sitwasyong pangwika sa isang bansa kung iisa ang wikang sinasalita ng
mga mamamayan dito.
Homogenous
Ang Tagalog, Sinugbuanong Binisaya, Ilokano, Hiligaynon, Samar-Leyte, Pangasinan,
Bikol, at iba pa ay mga ?
wika
Ang ____ ay nangangahulugang varayti ng isang wika, hindi hiwalay na wika.
diyalekto
ang tawag sa wikang katutubo sa isang pook.
Bernakular
Ang ______ ay tumutukoy sa dalawang wika.
bilingguwalismo
Ngayon, hindi na bilingguwalismo kundi ________
ang pinaiiral na patakarang pangwika sa edukasyon.
multilingguwalismo
Gagamitin ang _____ bilang opisyal na wika sa pag-akda ng mga batas at mga dokumento ng pamahalaan.
Filipino
Gagamitin naman ang ____ bilang isa pang opisyal na wika ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa mga banyagang nasa Pilipinas at sa pakikipagkomunikasyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig.
Ingles
Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop ng Espanya, _____ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo.
Espanyol
Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, _____at _____.
Ingles at Espanyol.
Sa kalaunan, napalitan ng____ ang Espanyol bilang wikang opisyal.
Ingles
Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginamit na ng mga Katipunero ang wikang ____sa mga opisyal na kasulatan.
Tagalog
nabuo ang isang grupong tinatawag na “_______.” Sila ang mga nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
purista
Nang panahong iyon, ____ang naging opisyal na mga wika.
Nipongo at Tagalog
____ ang wikang pinakamaunlad sa estruktura, mekanismo, at panitikan, at ito rin ang wikang ginagamit ng nakararaming mamamayan.
Tagalog
katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
Tagalog
unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)
Pilipino