Aralin 1 & 2 Flashcards
Ang salitang “kontemporaryo” ay nagmula sa salitang Latin na?
Contemporarius
Ang salitang “kontemporaryo” ay nagmula sa salitang Latin na “contemporarius”, na ang ibig sabihin ay?
“Kasabay ng panahon”
Ay nangangahulugang paksa, tema, o suliraning nakaaapekto sa lipunan. Ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate , at may malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.
Isyu
ang tawag sa pangyayari o ilang suliraning bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon.
Kontemporarayong isyu
ay tumutukoy sa mga pisikal na pagbabago o istruktura na itinatayo upang mabawasan ang panganib o pinsala mula sa mga kalamidad. Ang mga estruktural na hakbang ay karaniwang kinabibilangan ng pagtatayo ng mga gusali, pader, o iba pang imprastruktura na makakatulong sa proteksyon laban sa mga natural na panganib.
Patakarang Estruktural
ay tumutukoy sa mga hakbang at plano na hindi nangangailangan ng pisikal na pagbabago ng estruktura. Ang mga hakbang na ito ay kadalasang nakatuon sa pag-iwas, paghahanda, at edukasyon upang mabawasan ang panganib at epekto ng mga kalamidad.
Ang patakarang hindi estruktural
Isang malakas na bagyong may hangin at ulan na maaaring magdulot ng pagbaha, pagguho ng lupa, at pinsala sa mga ari-arian
Bagyo(typhoon)
Isang biglaang paggalaw ng lupa sanhi ng paggalaw ng tectonic plates
Lindol(Earthquake)
Paglabas ng lava, abo, at gas mula sa isang aktibong bulkan
Pagputok ng bulkan(volcanic eruption)
Pag-apaw ng tubig sa mga kalsada at bahay dahil sa malakas na ulan o bagyo
Baha(flood)
Pagdulas ng lupa at bato mula sa mataas na lugar, kadalasang dulot ng malakas na ulan o lindol
Pagguho ng lupa(landslide)
ay pangunahing responsable sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga apektadong pamilya at indibidwal
DSWD
ay tumutulong sa mga lokal na pamahalaan sa pagbuo at pagpapatupad ng kanilang mga plano para sa disaster response at recovery
DILG
nag-aayos ng traffic sa metro manila tuwing may sakuna
MMDA
ay nagbibigay ng mga patnubay para sa pagsasara o pagbubukas ng mga paaralan sa panahon ng kalamidad.
DEPED