Aralin 1 Flashcards
Ayon sakanya ang panitikan ay Pagpapahayag ng
damdamin ng tao ukol sa lipunan, pamahalaan, kapaligiran, kapwa at
Dakilang Lumikha.
Honorio Azarias
Ayon sakanya, ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan sapagkat dito masasalamin ang mga layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guniguni ng mga tao na nasusulat o binabanggit sa maganda, makahulugan,
matalinghaga at masining na mga pahayag.
Maria Ramos
Ayon sakanya ang panitikan ay Ito ay talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at pinapangarap.
J. Arrogante
Ayon sakanya ang panitikan ay Ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag nakasulat man ito, binibigkas o kahit ipinahihiwatig lang ng aksiyon
ngunit may takdang anyo o porma katulad ng ng tula, maikling kuwento , dula, nobela, at sanaysay.
L. Santiago
Ayon sakanya ang panitikan ay Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan,
pamahalaan, pananampalataya, at mga karanasang kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Panganiban
Ayon sakanya ang panitikan ay Ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.
Zeus Salazar
PANG - PAN + TITIK+AN
d, Lr.s, at t
unlapi
S.U
hulapi
PANITIKAN
LITERATURA O LITERATURE
Kastila
Ingles
LITTERA
Letra o titik
Jose Villa Panganiban, 1954
- isang musikero, makata at mamamahayag.
Nakapagtapos ng pamamahayag sa
Unibersidad ng Santo Tomas at multi awarded na manunulat na makailang beses na ring nagwagi sa Don Carlos Palanca Memorial
Award - siya rin ang bokalista ng Manila-based Jazz. rock band na Radioactive Sago Project.
Lourd De Veyra
“No poem has ever stopped a tank”
Ezra Pound
Ito’y nagpapakita ng mga kwento, karanasan, at mga pagpapahalaga ng mga tao sa isang partikular na panahon at lugar. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng panitikan, maaring maunawaan ang kasaysayan, kultura, at kalagayan ng lipunan noong mga panahon na isinulat ang mga akda.
Salamin ng Lipunan
Ang panitikan ay nagpapalaganap at nagpapahalaga sa kultura at identidad ng isang bansa o komunidad. Ito’y nagbibigay ng pagkakakilanlan at pagpapakilala sa mga tao ukol
sa kanilang mga tradisyon, wika, relihiyon, at kasaysayan.
Pag-aambag sa identidad
Maraming akda ang tumatalakay sa mga isyung panlipunan tulad ng kahirapan, karapatang pantao, kawalan ng hustisya, at marami pang iba. Ang mga manunulat ay nagiging boses ng mga mahihirap at nangangailangan sa pamamagitan ng kanilang mga akda.
Pagpapahayag ng mga isyu
Ang panitikan ay nagpapalawak ng kamalayan ng mga tao tungkol sa mga pangunahing isyu at hamon ng lipunan.
Ito’y nagbibigay sa mga mambabasa ng mas malalim na pag-unawa at pananaw ukol sa mga paksa tulad ng politika, relihiyon, at kultura.
pag-usbong ng kamalayan
Ang pag-aaral ng panitikan ay nagpapalawak ng kakayahan ng mga tao sa kritikal na pag-iisip. Ito’y nagtuturo sa mga mambabasa na mag-analisa, mag-uri, at magbigay-halaga sa mga ideya at mensahe na nakapaloob sa akda.
pag usbong ng pag iisip
Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin at emosyon ng mga tao. Ito’y nagbibigay-daan sa mga mambabasa na makipag-ugnayan sa iba’t ibang uri ng emosyon at pagpapahalaga.
pagusbong ng emosyon
Ang mga akdang panitikan ay nagbibigay-halaga sa wika at nagpapalaganap ng kultura nito. Ito’y nagpapayaman sa bokabularyo at gramatika ng isang wika at nagbibigay-daan sa pagpapalaganap nito sa iba’t ibang bahagi ng lipunan.
pagpapalaganap ng wika
Ang panitikan ay isa sa mga sining na nagpapahayag ng kahalagahan ng kreatibidad at ekspresyon. Ito’y nagpapalaganap ng pag-unlad at pagpapahalaga sa mga sining tulad ng musika, teatro, at pintura.
pagpapahalaga ng sining
(1911-1993)
- isang kilalang Pilipinong manunulat, kritiko, edukador, at diplomatiko. Siya ay may malawak na kontribusyon sa larangan ng panitikan, edukasyon, at pulitika sa Pilipinas.
salvador ponce lopez
Mga Pangunahing Punto At Mga Pananaw Ni S.P. Lopez Ukol Sa “Ang Mundo Ng Panitikan”, Ito’y nagpapakita ng mga kaugalian, pag-iisip, damdamin, at mga pangarap ng tao sa isang partikular na panahon at kultura. Sa pamamagitan ng panitikan, mas nauunawaan natin ang karanasan ng mga tao sa iba’t ibang aspekto ng buhay.
panitikan bilang salamin ng lipunan
Mga Pangunahing Punto At Mga Pananaw Ni S.P. Lopez Ukol Sa “Ang Mundo Ng Panitikan”, Ayon kay
Lopez, ang panitikan ay may mahalagang papel sa pagpapalaganap at pagpapahalaga sa kultura ng isang bansa.
Ito’ nagpapalaganap ng mga kwento, tula, at mga alamat na nagpapahayag ng kasaysayan, pag-iral, at identidad ng isang lipunan.
pag-aambag ng panitikan sa kultura
Mga Pangunahing Punto At Mga Pananaw Ni S.P. Lopez Ukol Sa “Ang Mundo Ng Panitikan”, Ang mga manunulat ay may kakayahan na maging boses ng mga hindi maririnig na damdamin at saloobin ng mga tao. Sila ang nagdadala ng mga isyu at mensahe sa pamamagitan ng kanilang mga akda.
papel ng manunulat
Mga Pangunahing Punto At Mga Pananaw Ni S.P. Lopez Ukol Sa “Ang Mundo Ng Panitikan”, Ipinapakita niya na ang mga akda ay may mga kinikilalang anyo, istruktura, at mga temang nagpapahayag ng iba’t ibang mensahe. Ang ganitong pagsusuri ay nagbubukas ng mga pinto para sa mas malalim na pag-unawa sa mga akda.
kritikal na pagsusuri
Mga Pangunahing Punto At Mga Pananaw Ni S.P. Lopez Ukol Sa “Ang Mundo Ng Panitikan”,Si Lopez ay naniniwala na ang panitikan ay hindi hiwalay sa lipunan.
Ipinapakita nito ang ugnayan at pagkakaugnay ng panitikan at lipunan. Ang mga akda ay nagdadala ng mga isyu at hamon ng lipunan sa harap ng mga mambabasa.
panitikan at lipunan
Nakasandig sa pagkilala ng lipunan ay ang paglubog ng isang tao sa karanasan, pangyayari, at mga kultural na aspekto nito.
PAG-UUGAT SA
PANITIKANG PILIPINO
- Nibalvos-
-nagmula sa isla ng Kabisayaan.
- Sinasabing ang ____ na ito ay nagpapakita ng usapin ng tatlong estadong panlipunan ng mga tao, ang Datu, timawa, at oripon o alipin.
mito
ang itinuturing na mga pinuno ng kanilang mga pook. Ang kapangyarihan ay nagmumula lamang sa iisang pamilya, mistula itong isang monarkiya na ang posisyon at kapangyarihang kaakibat nito ay namamana.
datu