Aralin 1 Flashcards
Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari, kaganapan, sitwasyon ng lipunan, karanasan ng mga tao o pangkat ng tao, at mga personalidad na namumuhay noong mga nakalipas na panahon
Kasaysayan
Ano ang tatlong Theorya
- random theory
- great man theory
- great forces theory
Sinasabi sa pananaw na ito na ang pag-uusbong ng kasaysayan ay walang plano at disenyo.
Random theory
Thomas Garlyle scottish historyador ang kasaysayan ay hinubog ng mga dakilang tao
great man theory
-Pinaniniwalaan na ang kabuuang lagay ng isang
lipunan ang may impluwensya sa magiging takbo ng kasaysayan.
-Ito ay tinatawag ding social determinism theory-naniniwalang nabubuo ang pagbabago sa lipunan batay sa kultura
Great forces theory
Ito ay ang pag-aaral sa kalupaan, topograpiya, kalikasan, mga pagbabago sa kalikasan, mga likas na yaman, klima at panahon, direksiyon at mapa, at ang epekto ng mga kaalamang ito sa pamumuhay ng sangkatauhan.
Heograpiya
Ano ano ang limang tema ng heograpiya
- Lokasyon
- Lugar
- Rehiyon
- Interseksyon ng tao at kapaligiran
- Paggalaw ng tao
ito ay ang eksaktong kinalalagyan ng isang lugar.
Lokasyon
-Ang ____ ang siyang guhit na humahati sa hilaga at timog
-mga linyang pahiga
Latitud
-Ang _______ naman ang humahati sa silangan at
kanluran.
-mga linyang patayo.
longhitud
-Ang pangunahing latitud ay ang ______ na
matatagpuan sa 0 degree.
-naghahati sa daigdig sa timog at
hilaga
ekwador
-Ang pangunahing longhitud naman ay ang ______ na matatagpuan din sa 0 degree.
-naghahati sa daigdig sa silangan at kanluran.
punong meridian
may iba’t ibang katangian na nagagamit
sa paglalarawan ng isang bansa o bayan.
Lugar
Ang mga lugar ay maaaring pangkatin sa mga rehiyon batay sa tiyak na katangian tulad ng klima, kultura, o likas na yaman
Rehiyon
pinag-aaralan kung paano nakaaapekto ang tao at kapaligiran sa isa’t isa.
Interaksyon ng tao at kapaligiran
Sa temang ito sinusuri ang mga dahilan ng migrasyon, o ang paglipat ng tao o grupo ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa bago, at ang epekto nito sa pamumuhay.
Paggalaw ng tao
Ang daigdig ay mayaman sa mga anyong likas at yamang likas na nakatutulong sa pagyabong ng mga kabihasnan.
Heograpiyang Pisikal
ang pinakamataas na uri ng anyong lupa na
nakaalsa sa ibabaw ng lupa
bundok
grupo o pagsasama-sama ng mga
kabundukan na may iba’t ibang elebasyon o taas.
bulubundukin
ito ay tulad ng bundok ngunit ang taas ay mas mababa kompara sa bundok.
burol
isang uri ng bundok na patag ang tuktok
talampas
anyong lupa na nakaalsa sa ibabaw ng lupa at
mayroong butas o bunganga sa tuktok.
bulkan
isang mababang lugar na kadalasang matatagpuan sa gitna ng dalawang bundok.
lambak
karaniwang mainit at tuyong kapatagan na hindi
sagana sa yamang pang-agrikultura.
desyerto
malawak na lupaing patag na sagana sa yamang
pang-agrikultura
kapatagan
isang uri ng lupain na pinalilibutan ng tubig.
isla
isang grupo ng mga islang may iba’t ibang sukat.
arkipelago
bahagi ng isang lupain, o landmass, na may
katubigan sa kaniyang tatlong gilid.
tangway
Ano ang mga anyong tubig?
-Karagatan
-Dagat
-Ilog
-Lawa
-Golpo
-Look
Ano ang pitong kontinente?
- Asya
- Aprika
- Hilagang Amerika
- Timog Amerika
- Antartika
- Europa
- Australia
-tinaguriang pinakamalaking kontinente na nahahati sa
limang rehiyon
Asya
pangalawa sa pinakamalaking kontinente. Kilala sa
malalawak na desyerto at sabana
Aprika
kilala sa tatlong malalaking bansa nito
na Canada, Estados Unidos, at Mehiko
Hilagang Amerika
kung saan matatagpuan ang Ilog Amazon,
ang pinakamahabang ilog sa kontinenteng ito, na
bumabagtas sa Amazon Rainforest at sa mahabang Bulubundukin ng Andes
Timog Amerika
natatanging kontinente na walang bansa at
walang opisyal na naninirahan
Antartika
pangalawa sa pinakamaliit na kontinente batay sa
sukat
Europa
ang pinakamalaking lupain
at pinakamalaking bansa sa kontinente. pinakamaliit na
kontinente batay sa sukat
Australia
ang kinalalagyan ng mga kontinente
at bansa sa kasalukuyan ay batay sa paggalaw ng lupa ilang milyong
taon na ang lumipas. Isa ito sa paliwanag na nanggaling kay Alfred
Wegener noong taong 1912. Ayon sa kaniya, nagmula ang lahat ng
lupain sa isang malaking kalupaan na pinaliligiran ng tubig. Tinawag
niya itong Pangaea.
continental drift theory
-isang pangmatagalang kalagayan ng panahon
sa isang lugar o rehiyon.
-nasusukat ng isang rehiyon batay sa datos ng kadalasang lagay ng temperatura, panahon, humidity, at precipitation.
klima
-mabilisang kondisyon lamang na maaaring magbago araw-araw.
-sinusukat batay sa pag-ulan o pag
init na nagbabago-bago sa mas maikling sandali.
panahon