Aralin 1 Flashcards
• Masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo, na ginagamit sa komunikasyon ng tao na nabibilang sa iisang kultura.
Wika
• Daluyan ng anumang uri ng komunikasyon na nauukol sa lipunan ng mga tao. Mula sa patuloy na karanasang panlipunan nalilikha ang wika.
Wika
Etomolohiya ng wika
Ang salitang latin na lingua ay nangangahulugang dila at wika o lengguwahe.
Lengguwahe sa ingles; Langue naman sa Pranses
Ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa komunikasyon ng tao na nabibilang sa iisang kultura.
Henry Allan Gleason Jr.
Cambridge Dictionary – Ito ay sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog ng mga salita at grammatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o iba’t-ibang uri ng gawain.
Cambride Dictionary
Naniniwalang ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbes, pagbabake ng cake o pagsulat.
Charles Darwin
Parang hininga ang wika, sa bawat sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay gumagamit ang tao ng wikang upang kamtin ang kailangan natin.
• Bienvenido Lumbrera (2007)
Ang wika ay ginagamit para paipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin. Ito ay behikulo ng ating ekspresyon at komunikasyon.
Paz, Hernandez at Peneyra
Kahalagahan ng Wika
- Midyum ng komunikasyon
- Malinaw at epektibong maipahayag ang damdamin at kaisipan
- Sumasalamin sa kultura at panahon kinabibilangan
- Mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman
Iba’t-ibang katangian ng Wika.
- Likas at katutubo
- May kayarian at nakabubuo ng maraming salitang may mga kahulugan
- May pagbabago, inevitable na pag-unlad.
- May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya, palatunugan at diin.
- Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan,
Kasabay sa pagsilang ng tao sa mundo.
Likas at katutubo.
Ilahad ang nais ipakahulugan ng tao sa kaniyang sa kaisipan (nanghihiram sa ibang wikang upang makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran.
May pagbabago, inevitable ang pag-unlad
Iba pang katangian ng Wika
Iba pang katangian ng wika
- Ang wika ay isang masistemang balangkas.
- Binubuo ng mga tunog.
- Ang wika ay arbitraryo.
- Ang wika ay may kakanyahan.
- Ang wika ay buhay o dinamiko.
- Lahat ng wika ay nanghihiram.
- Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.
- Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon.
- Nasusulat ang wika.
- May level o antas ang wika.
Pagsama-samahin ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng salita/
Binubuo ng mga Tunog
Lahat ng wika at napagkakasunduan ng mga gumagamit nito.
Ang wika ay arbitraryo.
Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrakturang panggramatika.
Ang wika ay may kakanyahan.
Patuloy na nagbabago at yumayaman. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita.
Ang wika at buhay o dinamiko.
Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kaya ito’y patuloy na umuunlad.
Lahat ng wika ay nanghihiram
Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi wika ang kanilang gamit kundi ang mga kilos.
Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon.
Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra.
Nasusulat ang wika.
Ang wika ay isang masistemang balangkas.
A. Ponolohiya (ponema) – binibigkas na tunog
B. Morpolohiya (morfema) – pinakamaliit na makabuluhang yunit ng salita. (salitang-ugat, panlapi at fonema.
C. Sintaksis – formasyon ng mga pangungusap. (simuno at panaguri)
D. Semantiks – relasyon ng salita
Binibigkas na tunog
Ponolohiya (ponema)