A.P. Reviewer Flashcards
Ano ang ibig sabihin ng ASEAN?
Association of Southeast Asian Nations
Kailan itinatag ang ASEAN?
Agosto 8, 1967
Saang deklarasyon itinatag ang ASEAN?
Deklarasyon sa Bangkok
Alin sa mga sumusunod ang limang bansang unang nagtatag ng ASEAN?
- Indonesia
- Malaysia
- Pilipinas
- Singapore
- Thailand
Ano ang pangunahing layunin ng AFTA?
Pababain ang mga taripa at hadlang sa kalakalan sa loob ng ASEAN
Kailan nilagdaan ang SEANWFZ?
Disyembre 15, 1995
Bakit mahalaga ang pagkakatatag ng ASEAN sa mga bansa sa Timog Silangang Asya?
Upang magsulong ng kooperasyon, kapayapaan, at seguridad sa rehiyon
Alin sa mga sumusunod ang mga pangunahing layunin ng ASEAN?
- Pagpapalakas ng kapayapaan at seguridad
- Pagtulong sa pag-unlad ng ekonomiya
- Pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga mamamayan
Paano naiiba ang AFTA sa AEC?
Ang AFTA ay tungkol sa pagbabawas ng taripa sa kalakal, samantalang ang AEC ay mas malalim na integrasyong ekonomiko
Bakit itinatag ang AFTA?
Para palakasin ang kalakalan, makaakit ng pamumuhunan, at pahusayin ang competitiveness ng ASEAN
Ano ang pangunahing layunin ng ZOPFAN?
Itaguyod ang kapayapaan, kalayaan, at neutralidad sa Timog Silangang Asya
Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng pagtugon ng ASEAN sa pagbabago ng klima?
Pagpapatupad ng mga patakaran para sa likas-kayang pag-unlad
Paano direktang nakakatulong ang AFTA sa isang negosyante na nag-eexport ng produkto sa ibang bansa sa ASEAN?
Sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga taripa
Alin sa mga sumusunod ang pinakamahusay na pagsusuri sa epekto ng AFTA sa kalakalan at ekonomiya ng mga bansang kasapi ng ASEAN?
Nagdulot ang AFTA ng pagtaas sa kalakalan, mas malaking pamumuhunan, at mas malakas na ugnayang pang-ekonomiya
Ano ang pinakamahalagang tagumpay na nakamit ng ASEAN?
Lahat ng tagumpay ay mahalaga sa iba’t ibang aspeto
Ano ang dapat pagtuunan ng pansin ng ASEAN sa kasalukuyan?
Pagtugon sa mga isyu ng climate change at sustainable development
Alin sa mga sumusunod ang isang halimbawa ng aktibong pakikilahok ng Pilipinas sa ASEAN?
Pagsuporta sa mga proyekto ng ASEAN na naglalayong mapabuti ang kalakalan
Paano nakikinabang ang mga Pilipinong negosyante sa pakikilahok ng Pilipinas sa AFTA?
Sa pamamagitan ng pagbabawas ng mga taripa sa mga produktong Pilipino
Paano nagpapakita ang Pilipinas ng pakikiisa sa mga layunin ng ASEAN kaugnay ng pagbabago ng klima?
Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga batas na naglalayong mabawasan ang carbon emissions
Ano ang epekto ng pakikilahok ng Pilipinas sa ASEAN sa ekonomiya ng bansa?
Nagdulot ng mas maraming oportunidad sa kalakalan at pamumuhunan
Ano ang pinakamahalagang kontribusyon ng Pilipinas sa ASEAN?
Pagsusulong ng mga kasunduan sa kapayapaan at seguridad
Alin sa mga sumusunod ang HINDI direktang binanggit bilang halimbawang aksyon ng ASEAN kaugnay sa Sustainable Development Goals (SDG)?
Pagpapalakas ng pwersang nukleyar
Ano ang pangunahing layunin ng ASEAN Action Plan on Rural Development and Poverty Eradication?
Paglikha ng maraming trabaho
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga saklaw ng ASEAN Vision 2020?
Pagpapalakas ng pwersang nukleyar
Kailan itinakda ng United Nations ang Sustainable Development Goals?
2015
Ano ang isa sa mga pangunahing layunin ng ASEAN kaugnay ng kapaligiran?
Effective Waste Management
Alin sa mga sumusunod ang isang programa o hakbangin ng ASEAN para sa kalusugan?
ASEAN Vaccination Program
Ipaliwanag kung paano nakakatulong ang pagsuporta sa microfinance at small businesses sa pagkamit ng Sustainable Development Goals.
Nagbibigay ng oportunidad sa kabuhayan at nagpapababa ng kahirapan
Ano ang implikasyon ng ASEAN Agreement on Transboundary Haze Pollution?
Nagpapakita ng pagtutulungan ng mga bansa upang labanan ang polusyon
Paano isinusulong ng ASEAN ang edukasyon para sa inclusive learning?
Sa pamamagitan ng Scholarship at Exchange Programs sa ASEAN Universities
Ano ang kaugnayan ng ASEAN Smart Cities Network sa sustainable development?
Nagtataguyod ng pagpapaunlad ng digital economy at teknolohiya
Bakit mahalaga ang ASEAN Cooperation on Marine Environment?
Para sa proteksyon sa coral reefs at marine biodiversity
Ano ang pangunahing layunin ng ASEAN Vision 2020?
Bumuo ng isang pinagbuklod na komunidad ng mga bansang ASEAN
Paano makakatulong ang Disaster Risk Reduction Programs ng ASEAN sa mga komunidad sa Pilipinas?
Magbibigay ng training at resources upang maging handa sa kalamidad
Paano makakatulong ang ASEAN Plan of Action for Energy Cooperation sa access sa enerhiya sa mga rural na lugar?
Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng Renewable Energy Sources
Suriin ang mga posibleng hamon sa pagpapatupad ng ASEAN Zero Waste Movement.
Magkakaibang antas ng economic development at political priorities
Alin sa mga aksyon ng ASEAN ang may pinakamalaking potensyal na positibong epekto sa likas-kayang pag-unlad?
Lahat ay pantay ang potensyal na positibong epekto
Magmungkahi ng isang karagdagang hakbang na maaaring gawin ng ASEAN para sa Sustainable Development Goals.
Pagdaragdag ng investment sa research and development para sa sustainable technologies
Kailan itinatag ang ASEAN Human Rights Declaration (AHRD)?
2012
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga isyung kinakaharap ng ASEAN kaugnay sa karapatang pantao?
Pagpapalakas ng pwersang nukleyar
Ano ang isa sa mga pangunahing layunin ng ASEAN kaugnay ng karapatang pantao?
Pagtataguyod ng karapatang pantao bilang bahagi ng pag-unlad ng rehiyon
Ipaliwanag kung ano ang saklaw ng ASEAN Human Rights Declaration (AHRD).
Saklaw ang malawak na hanay ng karapatang pantao
Ano ang implikasyon ng human trafficking bilang isang isyu sa karapatang pantao sa ASEAN?
Ito ay ilegal na pangangalakal ng tao
Paano nakaaapekto ang diskriminasyon sa mahihinang pangkat ng mga mamamayan?
Humahantong sa hindi makatarungang pagtrato
Anong mga hakbang ang maaaring gawin ng ASEAN upang tugunan ang human trafficking?
- Magpatupad ng mas mahigpit na batas
- Magbigay ng suporta sa mga biktima
Suriin ang kaugnayan sa pagitan ng restriksyon sa kalayaan sa pamamahayag at iba pang paglabag sa karapatang pantao.
Maaaring magdulot ng iba pang paglabag
Alin sa mga isyu ng karapatang pantao ang may pinakamalalim na epekto sa katatagan ng ASEAN?
Lahat ay may pantay na epekto