A.P. 9 Q3 MAKROEKONOMIKS Flashcards
Makikita natin ang unang modelo ang simpleng
ekonomiya. Inilalarawan dito na ang pangangailangan
nito ay siya rin ang bumubuo. Nagkakaroon lamang ng
pagbuo ng isang produkto kung mayroon
pangangailangan nito.
Unang modelo
mayroong dalawang aktor, sila ay
tinatawag na interdependence, na kung saan sila ay nagtutulungan.
Mula sa sambahayan ay umusbong ang dalawang uri ng pamilihan, una
ay ang salik ng produksiyon o Factor markets, at Pamilihan ng tapos na
produkto o commodity markets.
Ikalawang modelo
Ang ikatlong modelo ay nagpapakita ng dalawang pangunahing sektor-
ang sambahayan at bahay kalakal.Isinaalang alang ng sambahayan at
bahay kalakal ang kanilang mga desisyon sa panghinaharap.
ikatlong modelo
Matutunghayan natin na ang panibagong aktor ng
ekonomiya ay ang pamahalaan. Pag-iimpok, pamumuhunan at
pagbabayad ng buwis ang karagdagang gawain at
pinagkukuhanan ng kita ng sambahayan at pamahalaan Ang
broken lines ang gamit sa flow o daloy ng pagbabayad
ika-apat na modelo
Ang pambansang ekonomiya ay bukas na at nadagdagan ng
kalakalang panlabas. Nagkakaroon na ng palitan ng produkto sa ibang
bansa. Ang sambahayanan at bahay kalakal ay nagbukas sa dayuhang
ekonomiya pareho rin sila ng pinagkukunang yaman na maari ding
magkaiba ang anyo at dami. Nagkakaroon ng kita sa mga ito dahilan ng
pag-export ng mga produkto at serbisyo.
ikalimang modelo
Ang ___________ o mas kilala natin bilang
______________ ay kinakatawan nito ang kabuoang pamilihang halaga ng mga
produkto at serbisyo sa loob at labas ng bansa sa isang partikular na taon,
Gross National Income (GNI)/Gross National Product
Ito ay sumusukat
sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng
tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng
isang bansa.
Gross domestic product (GDP)
Ito ay ang lahat ng mga gastos ng mga mamamayan,
ang mga halimbawa nito ay pagkain, damit, libangan, bayad sa mga iba’t ibang
serbisyo at iba pa.
Gastusing personal (C)
-kabilang dito ang mga ginagastos ng mga
bahay-kalakal katulad ng mga hilaw na materyales, kagamitan sa opisina,
gastos sa para sa produksiyon, sahod ng manggagawa, at iba pa.
Gastusin ng mga Namumuhunan (I)
Sinasama dito ang anumang gastusin ng
pamahalaan sa pagsasagawa ng mga proyektong panlipunan, serbisyo at iba
pang gastusin nito.
Gastusin ng Pamahalaan (G)
Ito ay makukuha kung ibabawas sa
inaangkat o Import (X) ang mga gastusin mula sa iniluluwas o Export (M).
Gastusin ng Panlabas na Sektor (X – M)
ito ay ang anumang kakulangan o kalabisan sa
pagkuwenta na hindi malaman kung saan ibibilang. Ito ay nagaganap dahil
may mga pagkakataon hindi sapat ang mapagkukunan ng datos o
impormasyon.
Statistical discrepancy (SD)
Ito ay tinatawag rin Net Primary
Income. Makukuha ito kapag natin ibinawas ang gastos ng mga mamamayang na
nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa.
Net Factor Income from Abroad (NFIFA)