AP 4 Flashcards
Pambansang Wika ng Pilipinas ay _________.
Wikang Filipino
Ano ang tinatawag sa mga taong nahaluan ng iba’t ibang lahi?
Mestiza (babae) at Mestizo (lalake)
Inilalarawan ng _________ ang lahat ng mga katangian ng mga naninirahan sa isang pook. Gaya ng kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining, at diyalekto.
Kultura
Asaan matatagpuan ang bansang Pilipinas?
Sa Timog-Silangang Asya
South-Eastern Asia
Ang Pilipinas ay matatagpuan rin sa bandang Hilagang Hating Globo, sa pagitan ng ekwador at tropiko ng cancer.
Tama o Mali?
Tama
800 na mga kapuluan lamang ang tinitirhan ng mga tao dahil hindi gaanong ligtas tirhan ang ibang mga pulo.
Tama o Mali?
Tama!
Nakapaloob ba ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire?
Oo, Tama! Nakapaloob nga ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire.
Malawak ang sakop ng Pilipinas dahil sa itong malaking kapuluan. Binubuo ang Pilipinas ng _________ na pulo.
7,107 na pulo
Nagkakaunawaan tayo sa kabila ng ating mga pagkakaiba-iba sa ibang aspekto/diyalekto dahil sa __________
Pambansang Wika
Ginagamit ng mga tao sa araw-araw na pakikipagtalastasan.
Binubuo ito ng simbolo, tunog, at mga bantas upang lubusang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Wika
Iba’t-ibang wika na nagpapahiwatig kung saan nagmumula ang isang tao (kung saang probinsya man siya nanggaling)
Diyalekto (Dialect)
Ano ang dapat gawin sa mga koneksyon ng elektrisidad ng sa ating bahay/tahanan pag mayroong baha?
Tanggalin ang mga koneksyon ng elektrisidad para maiwasan ang pagkakuryente at para hindi masira ang mga de elektrisidad na kagamitan.
Madalas (most of the time) na nakararanas ng paggalaw ang ilalim ng ating kalupaan dahil nasa Pacific Ring of Fire and Pilipinas.
Tama o Mali?
Tama!
Ano ang bagyo?
Ito ang masamang panahon na nagbubungsod ng napakalalakas na pag-ulan, paghangin, na kung minsan ay may kasamang malalakas na pagkulog at pagkidlat.
Madalas na nakararanas ng bagyo ang ating bansa sapagkat malapit ito sa Karagatang Pasipiko.
Tama o Mali?
Sagot: Tama
Madalas na nakararanas ng kalamidad ang ating bansa dahil walang disiplina ang lahat ng mamamayan nito.
Tama o Mali?
Mali. Hindi sanhi ang mga tao sa mga kalamidad dahil ang kalamidad ay isang di inaasahang pangyayari na sanhi ng mga proseso sa kalikasan, pero ang mga tao ay maaring maapektuhan ang kalikasan sa masamang paraan
Tumutukoy ito sa lupon ng mga taong mayroong mga pagkakapareho sa pisikal na katangian at nabibilang sa magkakalapit na lokasyon, Ano ito?
Translation:
It refers to a group of people that has the same characteristics and belongs in the same location, what is this?
Lahi
Ano ang Lindol?
Ito ang PAGYANIG SA ILALIM NG LUPA (posibleng magdulot ng tsunami at landslide)
Ilang bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility bawat taon?
Humigit-Kumulang 19 na bagyo.
Ano ang tawag sa bahagi (part) ng daigdig (mundo) kung saan kadalasang nagsasalubong (nag mmeet) ang mga Hanging Amihan at Hanging Habagat?
Inter Tropical Convergence Zone
Ano ang mangyayari kapag nagkasalubong (nag meet) ang Hanging Amihan at Hanging Habagat?
Nabubuo ang isang bagyo.
Anong mga kalamidad ang nagiging bunga (effect) o sanhi (reason) ng pagyanig ng kalupaan sa ating bansa?
Lindol at Pagputok ng Bulkan
Ang Fault Line ay ang mga siwang (butas sa walls/ground) sa ilalim ng lupa na malaki ang tsansang gumalaw at magsanhi ng
lindol.
Tama o Mali?
Tama
Gaano kahaba ang pinakamataas na Fault Line sa Pilipinas?
Ito ay may habang 1,200 kilometro mula Luzon hanggang Mindanao.