AP 2 reviewer Flashcards
Ano ang nagbibigay ideya tungkol sa antas ng produksyon ng ekonomiya sa isang partikular na taon?
Ang sistema ng pagsukat sa pambansang kita
Ano ang tinutukoy na kabuuang pampamilihang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa?
Gross National Income (GNI)
Ano ang tawag sa kabuuang pampamilihang halaga ng lahat ng tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang bansa?
Gross Domestic Product (GDP)
Ano ang pangunahing pagkakaiba ng GNI sa GDP?
GNI ay para sa mga mamamayan ng bansa, habang GDP ay para sa lahat ng ginawa sa loob ng bansa.
Sa anong paraan sinusukat ang Gross National Income (GNI)?
Tatlong paraan: pamamaraan batay sa gastos, pamamaraan batay sa kita ng sangkap ng produksiyon, pamamaraan batay sa pinagmulang industriya
Ano ang mga sektor na bumubuo sa pambansang ekonomiya?
- Sambahayan
- Bahay-kalakal
- Pamahalaan
- Panlabas na sektor
Ano ang kasama sa gastusing personal (C)?
- Mga gastos ng mga mamamayan
- Pagkain
- Damit
- Paglilibang
- Serbisyo ng manggugupit
Ano ang kasama sa gastusin ng mga namumuhunan (I)?
- Mga gamit sa opisina
- Hilaw na materyales
- Sahod ng manggagawa
Paano kinukwenta ang GNI gamit ang expenditure approach?
GNI = C + I + G + (X – M) + SD + NFIFA
Ano ang ibig sabihin ng CE sa income approach?
Compensation of employees (sahod ng mga manggagawa)
Ano ang Net Operating Surplus (NOS)?
Tinubo ng mga korporasyong pribado at pag-aari at pinapatakbo ng pampamahalaan
Ano ang Depresasyon (D)?
Bumaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma at tuloy tuloy na paggamit
Ano ang formula sa pagkuwenta ng GNI gamit ang income approach?
GNI = CE + NOS + D + (IT - S)
Ano ang mga pangunahing industriya na kasama sa industrial origin approach?
- Agrikultura
- Industriya
- Serbisyo
Ano ang Net Factor Income from Abroad (NFIFA)?
Gastos ng mga mamamayang nasa ibang bansa sa gastos ng mga dayuhang nasa loob ng bansa
Fill in the blank: Ang Gross National Income ay dating tinatawag na _______.
[Gross National Product (GDP)]
True or False: Ang GDP ay sumusukat sa halaga ng mga produkto at serbisyo na ginawa sa labas ng bansa.
False